Iniimbestigahan ng pulis ang isang saksi sa ulat ng isang drone na lumilipad noong gabi ng Lunes malapit sa Imperial Palace at katabing lugar sa Tokyo, ito ay isa lamang sa mga parehong nakita noong isang linggo pagkatapos ng pagbaba sa trono ni Emperor Naruhito.
Ang pagpapalipad ng drone ay iponagbawal sa sentral ng Tokyo Naobserbahan ng Riot police na inisip nila ay isang drone na lumilipad sa ibabaw ng Kitanomaru Garden sa bandang hilaga ng palasyo mga bandang alas 7:30 ng gabi ng Lunes ayon sa ulat ng Metropolitan Police Department.
Ang sumunod na ulat ay nagsabi na ang drone ay nakitang lumilipad sa Distrito ng Nagatacho sa Tokyo, kung saan naroon ang parliyamento ng bansa at opisina ng prime minister. Makikita din ang drone sa Yotsuya at Roppongi sabi pa ng mga pulis
Hinalughog ng mga pulis ang lugar kung saan nakikita ang drone ngunit sawing mahanap ang piloto nito. Ang drone ay mayroong multiple rotors at falshing lights sabi pa nila.
Noong Huwebes, nakatanggap ang mga pulis ng sunod sunod ng ulat ng paglipad ng drones malapit sa Imperial Palace at Aksaka Estate, kung saan kasalukuyang nakatira si Emperor Naruhito at ang iba pang miyembro ng imperial family.
Ang bagong emperor ay umakyat sa trono noon lamang Miyerkules.
Isa pang drone ang nakita noong Huwebes malapit sa Musashimo Imperial Graveyard sa Hachioji sa kahabaan ng Tokyo, kung saan nakalibing ang miyembro ng imperial family kasama ang great- grandfather and grandfather ni Emperor Naruhito.
Ito ay ilegal sa ilalim ng Batas ng mga Hapon na magpalipad ng drone sa mataong lugar o malapit sa mga lugar ng pampaliparan. pagpapalipad ng drone kung saan saan lalo sa gabi ng walang permiso ay pinagbabawal din.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation