MUFJ Bank magsasara ng halos 35% na branches sa Japan

Ayon sa mga opisyal ng MUFG Bank magbabawas sila ng bilang ng mga branches sa Japan ng halos 35 percent. Ang planong pagsasara ay isasagawa sa katapusan ng taong 2023 kung saan mas dumadami ang mga customer na gumagamit ng online banking.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: NHK World

Ayon sa mga opisyal ng MUFG Bank magbabawas sila ng bilang ng mga branches sa Japan ng halos 35 percent. Ang planong pagsasara ay isasagawa sa katapusan ng taong 2023 kung saan mas dumadami ang mga customer na gumagamit ng online banking.

Ibinunyag ng mga executives noong na meeting kasama ang mga investors. Ang una nilang planong isara ay 20 percent ng kanilang branches.

Ang banko ay may 515 locations sa buong Japan as of March 2018. Ang  bilang na ito ay bababa sa 335 sa pamamagitan ng pagsara at integration.

Ayon sa bank officials, pinagpasyahan nila ay malawakang pagsasara dahil sa pagdami ng mga taong gumagamit ng online banking services na sanhi ng pagkonti ng mga taong bumibisita sa tanggapan ng banko.

Plano din ng mga executive na magbawas ng staff sa iba nilang locations at mas umasa sa mga digital devices.

Ang pag improve ng business efficiency ay malaking challenge na hinaharap ng mga banking industry sa Japan. Ang mahabang panahon ng  mababang interest rate ang siyang nakaka-apekto sa pagbaba ng kinikita ng banko.

Isa pang major lender, ang Mizuho Bank, ay magbabawas din ng branch mula 500 ay magiging 370 by year 2024. Madami din mga regional banks ang nagpa-plano na sumunod sa mga ganitong hakbang.

Source: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund