Tokyo- Inanunsyo ng prosekyutor ang pag-abswelto ng kaso nang pumanaw na 79 anyos na lalaki dahil sa pag-pinsala sa 5 katao nang i-bangga niya ang kanyang kotse sa mga tumatawid sa kalsada sa Shinjuku Ward nito umpisa ng taon, mula sa ulat ng TV Asahi.
Bandang ala-1:30 ng hapon nuong ika-16 ng Enero, idinarayb ng matanda ang kanyang sasakyan sa sidewalk sa isang business district na may 100 metro ang layo mula sa JR Shinjuku Station.
Isang lalaki na masa edad na 80 at isang babae na nasa edad na 20 ang nakatanggap ng malalang pinsala ngunit hindi naman life threatening. Habang 3 pang katao ang napinsala ngunit hindi malala.
Ayon sa mga pulis base sa ebidensiya sa lugar ng pinangyarihan, walang indikasyon na ang drayber ay umapak sa preno.
Matapos ang insidente, sinabi ng drayber sa pulis na “Habang nag-mamaneho bigla akong na-shock dahil nasamid ako sa tsaa.”
Nitong ika-20 ng Mayo, dinala ng mga pulis ang drayber sa prosekyutor dahil sa pag-labag sa Motor Vehicle Law na may kaugnayan sa hindi sinasadyang pag-dulot ng pinsala.
Ngunit, inanunsyo ng prosekyutor ng Tokyo District Public Prosecutor’s Office na hindi kailangan usigin ang pag-mamaneho dun sa kaso nuong Martes. Hindi rin nilinaw kung bakit ganuon ang naging desisyon ng hukom.
Ang drayber at ang may bahay nito (76) na nuo’y nasa loob rin ng sasakyan ay nag-tamo ng hindi malalang pinsala. Ang drayber ng sasakyan ay binawian ng buhay sa hindi matukoy na sakit nuong Pebrero.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation