Ayon sa health officials ng Japan, may halos 470 katao sa buong bansa ang nahawahan ng tigdas ngayong taon.
Ang National Institute of Infectious Diseases ay nagsabi na ang 11 na bagong mga kaso ay iniulat sa noong linggo hanggang Mayo 5.
Sinabi ng mga opisyal na ang bilang ng mga pasyente sa taong ito ay umabot na 467 sa kabuuang taon na 1.7 beses na mas madami keysa sa nakaraang taon. Sinabi nila na 136 na mga tao na nahawaan ay sa Osaka at 71 naman sa Tokyo.
Ang sakit ay lubos na nakakahawa, nagiging sanhi ng lagnat at rashes sa buong katawan, at maaaring maging sanhi ng miscarriage at pre-mature delivery.
Ang ministeryo ng pangkalusugan ay nananawagan sa mga taong nahawaan na pumunta agad sa mga medikal na pasilidad para sa konsultasyon.
Source: NHK World
Join the Conversation