TOKYO
Sa isang pag-sisiyasat ng Ministry of Education, Culture, Sports, Science at Technology ng Japan, naka-kita sila nh 410, 000 na kaso ng pag-bubully sa mga mag-aaral sa elementarya, junior high school at senior high school nuong taong 2017. Ito ay tumaas ng mahigit 90,000 ulat kumpara nuong nakaraang taon. Habang hindi malinaw kung ito ay dahil sa mga salbaheng bata o higit na kagustuhan na i-report ang insidente. Ito ay walang biro, ngunit ang isyu ng pang-bubully ay nagiging usap-usapan sa Japan, na ang mga magulang pati na rin ang guro ay humahagilap ng mga paraan upang i-address ang nasabing problema dahil ito ay hindi pangkaraniwang usapin sa mga kabataan.
Sa tingin ng Tokyo-based Yell, sila ay may solusyon rito o paraan upang mapabuti ang sitwasyon. Ngunit, ang Yell ay hindi isang institusyon pang-edukasyon o pang-pisikolohiya, kung hindi ay isang insurance company.
Sa kasalukuyan linggo, ang Yell ay nag-aalok ng isang bully insurance, at sila ay ang kauna-unahang kompanya na nag-alok nito sa buong Japan. Ngunit, ang Yell ay hindi nag-bibigay ng kabayaran kapag ang anak ng isa sa kanilang kliente ay ginulpi sa loob ng paaralan. Sila ay nag-aalok ng serbisyo pang-pinansyal na suporta para sa babayaran ng medikal o legal assistance para sa kaso na dulot ng pang-bubully.
Ang mga magulang na kumuha ng bully insurance ay maaaring kumonsulta ng libre sa mga partner na lawyer ng Yell kung sa tingin nila ang kanilang anak ay binu-bully, at nais malaman kanilang legal option para masolusyonan ang sitwasyon. Ang mga lawyer ay mag-aadvice sa mga magulang kung ano ang dapat gawin at pano mag-ipon ng ebidensya upang mapatunayan ang pang-bully dahil ang pag-establish ng pang-uunawa ay ang unang hakbang upang ma-compell ang mga paaralan o mga magulang ng mga bullies’ na gumawa ng aksyon upang matigil ang pang-bubully.
Ang Bully insurance, ay nagkaka-halaga ng ¥2,640 kada buwan, sila rin ay nag-bibigay ng partial compensation para sa mga kaugnay sa legal na serbisyo at representasyon na nag-rerequire nh kabayaran sa mga lawyer. Ang kabayaran para sa medikal na serbisyo ay covered din nito, tulad ng pinsala na nakuha ng bata sa kamay ng mga bullies o sa pinsalang nagawa ng anak ng kanilang kliente dahil sa pag-laban sa mga bullies. Covered rin nito ang compensation para sa mga nasirang property dahil sa isang gulo na dulot ng pang-bubully.
Marami ang nadidiskusyon na ito ay maaaring maging isyu ng katatawanan sa kapwa bata kung malalaman nito na ang kanilang magulang ay kumuha ng bully insurance, kaya pinapayuhan ang mga magulang na huwag ipag-sabi na sila ay kumuha nito. Habang ang iniisip ng iba ay bigyan ng isang kamao sa bibig ang mga bullies, ngunit ang Japan ay hindi umaaksyon ng bayolente pag-dating sa pag-solve ng problema. At mukhang magiging isang magandang sulosyon para sa ibang mga magulang ang inaalok ng Yell.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation