Kita sa video ang pamamaril ng isang estudyante sa kapwa estudyante gamit ang isang air gun

Isang batang lalaki na nasa ika-6 na baitang nakita sa video na binabaril ang kapwa estudyante gamit ang air gun.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

http://m.youtube.com/watch?feature=youtu.be&v=0fG7YLxVqeY

Kasalukuyang sinusuri ng mga opisyal ng edukasyon kung ang nakita sa videong naka-post sa internet na pamamaril ng isang elementary student sa kapwa estudyante gamit ang air gun ay resulta ng pang-bubully, mula sa ulat ng Nikkan Sports.

Sa footage, na kinuha nuong May 15, makikita ang isang batang lalaki na pinapa-putukan ang ikalawang bata habang ito ay naka-higa sa lupa at tinatakpan ang kanyang ulo sa isang park sa Adachi Ward.

Habang nangyayari ang pagpapa-putok, maririnig ang isang boses na hindi makikita sa camera na nag-sasabing: “Barilin mo, barilin mo!!”

Pagka-lipas ng dalawang araw, kinumpirma ng Board of Education ng Adachi na ang batang lalaki (11) na may air gun ay isang 6th grade student sa isang paaralang elementarya sa lugar. Habang ang isang bata (9) ay isang Gr. 4 student mula sa ibang paaralan.

“Ito ay posibleng kaso ng bullying,” ayon sa isang representative ng lupon.

Ang ikalawang bata ay hindi naman nasaktan sa nasabing insidente. Ayon sa lupon, ang insidente ay hindi ini-report ng bata sa paaralan o sa kanyang pamilya.

Matapos makumpirma ang mga bata sa video, agad na ini-report ng lupon sa mga pulis ang batang may dala ng air gun, na siya na mang nag-report sa child consultation center.

Source: Tokyo Reporter

Video: Youtube

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund