Sa Kawasaki- isang 22 anyos na Chinese intern na napapa-ilalim ng government-sponsored technical training program ang pinatawan ng suspensyon nitong Miyerkules dahil sa pag-aabando nito sa kanyang bagong silang na anak na lalaki nuong Disyembre dahil sa takot umanoy mapauwi sa kanilang lugar
Si Zhan Meijuan ay sinintensyahan ng 1 taon hanggang 6 na buwan na pagkaka-bilanggo at suspendido sa loob ng 6 na taon, ito ay dahil sa pag iwan nito sa kanyang sanggol na ibinalot lamang ng kumot sa isang pribadong residente sa kanilang distrito matapos nitong isilang ang sanggol sa kanyang tirahan sa Kawasaki, ayon sa Kawasaki Branch ng Yokohama District Court.
Ang bata ay dinala sa isang protective custody at pinalalaki at inaalagaan sa isang paalagaan ng sanggol, sabi ng isang grupo na sumusuporta kay Zhan.
“Kung isinaalang-alang ang temperatura sa labas nuong araw na iyon, ito ay may lamig na 13 C, sa kanyang ginawa ay maaaring magkaroon ng seryosong epekto sa bagong silang na bata.” Sinabi ni Kenichi Emi Presiding Judge habang ibinababa ang sintensya ng huli. Ang nasasakdal ay “hindi inisip ang kapakanan ng kanyang anak dahil sa pang-ekonomiyang rason.”
Ngunit sinabi rin ng hukom na si Zhan “ay nag-sisisi na sa kanyang nagawa.”
Si Zhan ay natanggap bilang trainee sa Japan nuong buwan ng Marso, ngunit napag-alaman niya mula sa ospital sa Tsina na siya ay buwan ng buntis. Ang perang nagastos para sa kanya ng kanyang magulang ay hindi na makukuha pag muli, siya ay nag-patuloy pumunta sa Japan na inililihim ang kanyang pag-dadalang tao.
Siya ay nag-trabaho sa isang food processing plant habang inililihim ang kanyang pag-bubuntis at ito ay kanyang iniluwal sa kanyang tirahan.
“Nuong nasa Tsina pa lamang ako, sinabihan na ako na mapapa-uwi ako ng bansa kapag nalamang ako ay nagdadalang-tao.” sinabi ni Zhan isang paglilitis sa korte. “Gusto kong suportahan ang aking pamilya sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa Japan.”
Ang Technical Training Program ng Japan ay ipinakilala nuong 1993 upang isalin ang mga skills sa mga developing countries. Ngunit ito ay humaharap sa mga kritisismo sa loob at labas ng bansa, dahil sa mga paratang na ito ay isang cover lamang upang maka-kuha ng masurang trabahante o mang-gagawa.
Nuong Marso, binalaan ng gobyerno ng Japan ang mga kumpanya laban sa pag-didismiss ng mga dayuhang trainee na nabubuntis habang nag-tatrabaho sa loob ng bansa habang ang ilan sa mga kababaihang ito ay napipilitang magpa-laglag ng bata o pauwiin sa kani-kanilang bansa.
Source: Japan Today
Image: Iran Daily
Join the Conversation