Nabaril at napatay ng isang pulis ang isang 68 anyos na lalaki na may hawak na patalim sa kalsada matapos na hindi ito sumuko sa Saitama City nito Martes,ulat ng Fuji News Network.
Bandang alas-2 ng hapon, may babaeng tumawag sa mga pulis sa Minuma Ward ukol sa naka-bulagtang lalaki sa kalsada. “Mayroong kutsilyo sa tabi nito.” dinagdag nito sa kanyang salaysay.
Nang dumating ang 2 pulis sa nasabing lugar, ang lalaki ay biglang tumayo na bitbit ang patalim sa kanyang kamay. Nagpa-putok muna ng warning shot matapos silang sugurin ng suspek.
Nabaril ng 2 pulis ang matanda, at ang isang bala ay tumama sa tiyan ng matanda. Inaresto ang lalako dahil sa kasong pang-gugulo sa trabaho ng mga alagad ng batas, ito ay agad naman dinala sa pagamutan ngunit binawian rin ng buhay kalaunan.
“Naka-lulungkot na namatay ang suspek.” sinabi ng representative ng pulis. “Ngunit ikinukunsidera namin na ang pag-gamit ng baril ay ang tamang paraan nuong oras na iyon, upang maisagawa namin ang aming katungkulan.”
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation