Isang American national ang inaakusan ng pananakit sa kanyang anak na babae at pag-buhos nito ng mainit na tubig sa huli.

Dahil sa pananakit sa kanyang anak gamit ang kamay, tubo at mainit na tubig, amerikano arestado.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang American national ang inaakusan ng pananakit sa kanyang anak na babae at pag-buhos nito ng mainit na tubig sa huli.

Tochigi- Inaresto ng Tochigi Prefectural Police ang 56 anyos na Amerikano dahil sa pang-aabuso umano nito sa kanyang anak na babae sa Lungsod ng Nikko nuong Linggo, mula sa ulat ng TBS News.

Sa pagitan ng alas-7:00 at alas-9:00 ng gabi, ang Amerikano ay ginamit umano ang isang tubo at ang kanyang kamay upang saktan ang kanyang anak na babae, 10 taong gulang, sa kanyang mukha at likuran sa isang lodging facility na mina-manage ng kanyang ama. Binuhusan din umano ng kumukulong tubig ang bata.

Ayon sa mga pulis, ang batang babae na nasa ika-limang baitang sa elementarya ay nag-tamo ng sugat sa kanyang katawan at paso sa kanyang mukha.

Ang suspek, na inakusahang nanakit, ay bahagyang itinatanggi ang paratang sa kanya, sinabi nito sa mga pulis na totoong ginamit niya ang kanyang kamay upang paluin ang kanyang anak “Ngunit hindi ako gumamit ng tubo,” ani nito. Sinabi rin niya na ang pag-paso sa kanyang anak ay “hindi sinasadya.”

Matapos ang insidente, hindi na malaman kung nasaan ang bata. Matapos kumosulta ng pamilya sa mga pulis, ito ay natagpuan at inilagay sa protective custody.

Source: Tokyo Reporter

Image: American SPCC

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund