Kinumprima ng Hotel Managment Japan na magbubukas ang Hotel Oriental Express sa Tokyo Ginza sa Hulyo 26. Ito ay mayroong 103 na kuwarto. Galing sa nasabing hotel ay pwedeng lakarin papunta sa Ginza Tokyo malapit sa Hibiya, Yurakucho, Oedo at Asakusa Subway Lines.
Ang lobby at ang mga kuwarto ay mayroong wall art na kung saan pinapakita ang 4 na panahon ng Japan.
Bawat kuwarto ay mayroong wireless Wi-Fi, 43-inch na telebisyon, alarm clock na may bluetooth speaker, isang refrigerator, safety deposit box, negative ion hair dryer at electric kettle.
Itinatampok din ng hotel ang isang art gallery na kung saan makikita ang maingat na pagpili ng mga art work na galing sa mga partner galleries sa Ginza na pwedeng bilhin ng mga bisita ng hotel.
Gaganapin sa Japang ang Rugby World Cup ngayong 2019 at sa Tokyo naman para sa Olympics sa taong 2020.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation