Health Insurance Law, binago upang limitahan ang coverage para sa mga taong naninirahan lamang sa Japan

Ang binagong batas sa health insurance ay naglalayong pagbawalan ang paggamit ng sistema ng mga dayuhan na hindi nakatira sa Japan, kasama na ang mga kamag-anak ng malapit nang dumating na mga manggagawa, dahil ang bansa ay tatanggap ng higit pang mga dayuhang manggagawa upang matugunan ang mga kakulangan sa mangagawa sa mabilis na pagtanda ng bansa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: Ministry of Health Labor and Welfare

TOKYO

Ang Parliament ay nagpatibay ng isang pambatasan na pagbabago noong Miyerkules upang maangkop ang national health insurance program para lamang sa mga manggagawa at sa kanilang mga dependent na naninirahan sa Japan.

Ang binagong batas sa health insurance ay naglalayong pagbawalan ang paggamit ng sistema ng mga dayuhan na hindi nakatira sa Japan, kasama na ang mga kamag-anak ng malapit nang dumating na mga manggagawa, dahil ang bansa ay tatanggap ng higit pang mga dayuhang manggagawa upang matugunan ang mga kakulangan sa mangagawa sa mabilis na pagtanda ng bansa.

Ang binagong batas ay para din mahikayat ang mga asawa na tumatanggap ng public pension na manirahan sa Japan.

Ang amendment ay sumasaklaw sa walong hanay ng mga batas na may kaugnayan sa sistema ng social insurance, at nangunguna sa larangan ng mga serbisyong medikal.

Ang nakaraang sistema ng insurance sa kalusugan ng empleyado ng Japan ay sumasaklaw sa mga dependent ng manggagawa sa ibang bansa, ngunit ang mga awtoridad ay nahaharap sa mga problema sa pag-check kung sila ba ay tunay na kamag-anak o pinansyal na nakadepende sa mga manggagawa.

Ang mga naninirahan sa Japan na pansamantalang naninirahan sa ibang bansa para mag-aaral o magtrabaho ay patuloy na magiging karapat-dapat para sa coverage ng health insurance anuman ang nasyonalidad. Ang ministeryo ng pangkalusugan ay magpapakilala ng mga ordinansa upang itakda kung sino ang maaaring maka-access ng mga exceptions.

Ang binagong batas ay nagpapahintulot din sa mga tao na magpakita ng mga national ID card, na kilala bilang mga card na “My number”, bilang kapalit ng mga standard na health insurance certificate program na pinapatakbo ng estado.

Ang layunin ng gobyerno ay i-link ang mga medikal at nursing care database ng estado at magbigay ng anonymous na impormasyon sa mga research industry at drug makers ng may bayad.

Sa harap ng pagtanda ng populasyon at pagbagsak ng birthrate, ipinakilala ng Japan ang isang bagong sistema ng visa noong nakaraang buwan upang maakit ang mga dayuhang manggagawa sa mga sektor na kulang sa mangagawa, kabilang ang konstruksiyon, pagsasaka at nursing care.

Ito ay malaking pagbabago sa patakaran ng bansa, na noon ay epektibong ipinagkaloob ang working visa para lamang sa mga doktor, abogado at iba pang highly-skilled na mga tao na may propesyonal na karanasan.

© KYODO

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund