Ang disorder na sanhi ng pagka-adik sa video game, na kilala bilang Gaming Disorder, ay opisyal nang kinilala bilang isang sakit ng World Health Organization.
Ang mga miyembro ng WHO ay ipinag-tibay ang rebisyon ng International Classification of Disease sa kanilang general assembly nuong Sabado sa Geneva.
Idinagdag nila ang Gaming Disorder sa listahan ng mga clinically significant syndromes na maaaring mag-resulta ng malubhang pinsala sa personal na buhay ng isang tao.
Ang Gaming Disorder ay inilalarawan bilang pagka-wala ng kontrol sa kadalasan, haba at oras ng pag-lalaro ng games sa internet, computers, smartphones at iba pang electronic devices. At ang pag-lalaro ay nauna o mas binibigyan ng importansya kaysa sa pa-kain o pag-tatrabaho.
Upang ma-diagnose ang Gaming Disorder, ang pattern ng pag-uugali ay dapat mag-resulta ng hindi pagkaka-sundo o pagkaka-intindihan sa pamilya, komyunidad at iba pang mga importanteng bagay at patuloy na nangyayari sa loob ng 12 buwan.
Sa nasabing pag-pupulong, isang representiba ng Japan ang nag-sabi na kaakibat nito ay ang pag-ooffer ng tsansang maitindihan ng mabuti ang sayantipikong kaalaman ukol sa nasabing karamdaman.
Sinabi naman ng representiba ng Estados Unidos na ang pag-sali nito sa listahan ay maaaring mag-bigay daan sa pananaliksik sa mga konektadong sakit sa pag-lalaro at iba pang mga karamdaman tulad ng depresyon.
Sanhi ng pangingibabaw ng internet at smartphones, maraming kaso ng sobrang pag-lalaro ang nag-reresulta ng pagka-sira ng pang araw-araw na pamumuhay at kalusugan ang naitala sa buong mundo.
Umaasa ang mga eksperto na ang desisyon ng WHO ay maka-tulong sa pagsa-saliksik tungkol sa pag-lalaro buong mundo at mag-bigay liwanag sa katotohanan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation