Sinabi ng Facebook na tinanggal nito ang 2.2 bilyon na pekeng account sa unang tatlong buwan ng taong ito. Iyon ay isang malaking pagtaas mula sa nakaraang quarter na nasa 1.2 bilyonana account ang tinanggal.
Iniuugnay ng mga opisyal ng Facebook ang matinding pagtaas ng bilang dahil sa pagtaas ng cyber-attack sa pamamagitan ng tinatawag na “bad actors na nagtatangkang gumawa ng malalaking volume ng mga account ng sabay-sabay.” Hindi nila matukoy kung ano ang mga motibo sa likod ng mga pag-atake, o kung bahagi man sila ng isang organisadong grupo.
Ang kumpanya ay nagsabi na ang karamihan sa mga pekeng mga account ay tinanggal sa loob ng ilang minuto simula ng nilikha ang mga ito, gamit ang artificial intelligence.
Inihayag din ng mga opisyal ang bilang ng mga nakakasakit o mapang-aping mga post na inalis sa unang quarter.
Sinabi nila na nakakita sila ng mahigit 33 milyong violent post, 19 milyon na may sexual content, 6 milyon na pinupuri ang terorismo at 4 milyon na naglalaman ng deskriminasyon sa lahi at relihiyon.
Source: NHK World
Join the Conversation