Dumadaming bilang ng kumpanyang tumatangging maghire ng mga naninigarilyo

Ang mga lokal na kumpanya ay gumagawa ng mas malakas na aksyon laban sa paninigarilyo, isa dito ay ang pag-iwas sa pag-hire ng mga manggagawang nanigarilyo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: Wikipedea

Ang mga lokal na kumpanya ay gumagawa ng mas malakas na aksyon laban sa paninigarilyo, isa dito ay ang pag-iwas sa pag-hire ng mga manggagawang nanigarilyo.

Ang mga hakabang na ito ay para sa pagtataguyod ng kalusugan ng mga empleyado, mapigilan ang sobrang paninigarilyo at mas maging produktibo sa trabaho sa pamamagitan ng pag-aalis ng “yosi break.”

Ang ilan, gayunpaman, ay hindi sumasang-ayon dito, at sa palagay nila ay sumosobra ang ganitong paghihigpit tulad ng pagtatalaga ng mga lugar ng paninigarilyo o smoking room sa lahat ng pampublikong lugar katulad ng department stores, park atbp.

Higit sa 20 na mga kumpanya at mga grupo ang nagtipun-tipon para sa inisyatiba.

Ang Sompo ay nagpapatuloy ng pagsulong ng isang serbisyo sa seguro na tumutulong sa mga tagapangasiwa na mapanatili ang mabuting kalusugan, habang tinatanggihan ang paghire ng mga bagong graduates na naninigarilyo.

Ang Hoshino Resorts Inc ay nangangailangan din ang mga recruit na mag-sign ng isang pangako na hindi manigarilyo sa oras ng trabaho.

Pati din ang mga Ecademic establishment. Ang Unibersidad ng Nagasaki ay hindi kumukuha ng mga guro na naninigarilyo upang maprotektahan ang mga mag-aaral at iba pang mga miyembro ng guro mula sa second hand smoke.

Ayon sa abugado na si Yujiro Yoshimura, na dalubhasa sa mga isyu ng manggagawa, ang mga kumpanya ay may karapatan sa “kalayaan sa pagtatrabaho” at patuloy na kumilos laban sa mga naninigarilyo, lalo na kung ang opinyon ng publiko ay nasa kanilang panig. Gayunpaman, binabalaan niya na “ang mga kumpanya ay maaaring mapahamak kapag ang kanilang mga tuntunin ay pilit na ipatutupad sa labas na oras ng trabaho o personal time ng isang empleyado.

Source: the Japan News

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund