Pag-pasok sa Starbucks, makikita mo ang sarili na malilito sa kakapa-mili sa pagitan ng 2 bagong Strawberry Frappucinos. Ito ay mayroong maliliit na hiwa ng masasarap na prutas at white velvet mocha. Mahirap nang humanap ng iba bukod sa tamis na alay nito.
Ngunit sa ilalim ng lahat ng Strawberry Craze na ito, ay may isang bagung-bagong treat na muntikan nang mapa-lagpas ni K Masami, isang Starbucks aficionado nuong siya ay bumisita sa nasabing kapehan. Ito ay ang COLD BREW LIME, na naglaka-halaga lamang ng ¥450.
▪️Ang mapusyaw na kulay berde na boarder nito na naka-paligid ay nag-sasabing ito ay hindi palaging ini-aalok.
Ang Cold Brew ay isang time-consuming na proseso kung saan ang mga coffee beans ay ibinababad sa malamig na tubig kung saan ito ay nag-lalabas ng natural na flavor at nag-bibigay na kakaibang lasa na iba sa katas ng kapeng ginamitan ng mainit na tubig.
Hindi matapang at mas swabe kaysa sa tradisyonal na mainit na kape. Ikinasaya naman ni Masami na ang acidity o asim ng lime ay hindi sinasapawan ang aroma o bango ng inumin. At kung mayroon man, ito ay ang kombinasyon ng zesty flavor na pinunan ang mapait na amoy ng hindi maiwasang inumin.
▪️Ang hiwa ng dried lime ay nag-bigay kay Masami ng impresyon na siya ay may hawak na fancy cocktail sa isang bar.
Matapus maubos pati ang kahuli-hulihang patak ng Cold Brew Lime, nakaramdam si Masami ng kasayahan kahit na nais niya pang humigop muli ng nasabing inumin. Sino ang mag-aakala na ang lime ay maaaring maging isang magandang kombinasyon sa dekalidad na kape?
Source: Japan News
Image: SoraNews24
Join the Conversation