Nag-babala ang mga weather officials na tatamaan ng torrential rains ang Pacific Coastal area ng Silangang Japan.
Ayon sa Meteorological Agency, ang pabago-bagong kalagayan ng atmospera at mainit na mahumigmig na hangin ang dahilan ng pagka-buo ng rain clouds sa itaas ng central coastal region ng Tokai.
Sinabi ng ahensya nuong Martes ng umaga na ang naitalang ulan kada-oras sa lungsod ng Shizuoka ay 66 milimeters at 38 milimeters naman sa lungsod ng Shima sa Mie Prefecture.
Sa ilang parte ng Shizuoka Prefecture,mahigit 200 milimeters ang naitala sa loob g 24 oras na nag-tulak sa mga opisyal na mag-baba ng landslide warning.
Ang panganib ng pag-baha sa mga mababang lugar ng prepektura na malapit sa mga ilog ay tumataas rin.
Sinabi rin ng ahensya na ang mga rehiyon ng Tokai at Kanto ay makararanas ng tinatantyang 50 milimeters na pag-ulan kada oras, samantalang mahigit 30 milimeters naman ng pag-ulan sa Tohoku at Hokkaido dahil sa pag-sulong nito mula kanluran ng bansa papuntang silangan.
Mahigit 180 milimeters ng ulan ang maaaring bumuhos sa loob ng 24 oras hanggang Miyerkules sa ilang bahagi ng Tokai, Kanto Koshin at Izu Island.
Ang Pacific Coast ng silangan at kanlurang Japan ay makararamas rin ng malakas na hangin at maalong karagatan na may taas na 6 na metro.
Nag-babala naman ang Meteorological Agency na maaaring magkaroon ng mga landslides, mataas na tubig sa mga ilog, pag-babaha sa mga mababang lugar, malakas na alon, kidlat at ipo-ipo.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation