Inaresto ng Aichi Prefectural Police ang isang 48 anyos na lalaki sa brutal na pag-patay sa pamamagitan ng pag-saksak sa kanyang kaibigang lalaki nitong weekend, ayon sa ulat ng NHK.
Bandang alas-11:10 ng gabi nuong May 25, si Kiyoyuki Yamashiro, walang trabaho, ay gumamit umano ng mahabang kagamitan (tools) upang paulit-ulit na saksakin si Junji Sakakibara, 46 anyos, sa dibdib sa isang kalsada sa Sakae Area sa Naka Ward.
Ayon sa mga awtoridad sa Naka Police Station kalaunan, si Sakakibara ay kinumpirma nang walang buhay.
Si Yamashiro na inakusahan ng attempted murder ay umamin sa alegasyon sa kanya. “Maraming taon na akong may tinatagong sama ng loob sa kanya.” pag-amin ng suspek sa mga pulis. “Matagal ko na siyang gustong patayin!”
Isiniwalat din ng mga pulis sa huli na planado na ni Yamashiro ang pag-atake. “Nauna na akong bumili ng gagamit kong kagamitan.” sinabi ni Yamashiro sa mga pulis, ayon sa Sankei Shimbun. “Inatake ko siya ng wala siyang kamalay-malay.”
Ang insidente ay naganap sa isang business district 500 metro ang layo sa Sakae Station. Nuong oras na iyon ay napaka-raming tao ang nag-lalakad sa lugar.
Habang nagaganap ang insidente, kinukuhanan ng mga tao ng video ang pangyayari. Matapos lumabas ni Sakakibara sa isang bar, inatake na siya ni Yamashiro gamit ang tila mo ay isang kagamitan na ginagamit sa mga tiles. “Tama na! Tumawag kayo ng pulis!” mga katagang maririnig mong sinasambit ng biktima.
Maraming litrato ang nagsi-labasan, ngunit ito ay kahindik-hindik — which are graphic — ipinapakita ang isang lalaki na pina-niniwalaang si Yamashiro na nakatayo sa ibabaw ng biktima habang hawak ang sandatang ginamit sa naka-gloves niyang kanang kamay habang makikita ang duguang semento.
Source: Tokyo Reporter
Images: NHK
Join the Conversation