Ang operator ng sikat na casual clothing store na GU at Uniqlo ay nag-sabi na mahigit 460,000 na account ng kanilang kostumer ay na-hacked.
Sinabi ng fast retailing shop na mayroong total na 461,091 na unauthorized log-ins ang naganap sa pagitan ng April 23 at May 10.
Ang kompanya ay nagsa-gawa ng imbestigasyon matapos mag-reklamo ang kanilang mga kostumer. Sinabi pa nito na maaaring nakuha ang mga pangalan, address, petsa ng kapanganakan, e-mail address at mga credit card information ng mga third parties.
Suspetsa ng fast retailing na tinangkang mag-log-in mga suspek gamit ang mga ID numbers at password ng mga kostumer na nag-leaked mula sa ibang serbisyo ng kompanya. Nakipag-uganayan na ang retailer sa Tokyo police.
Pinapayuhan ng kompanya ang mga kostumer na apektado na palitan ang kanilang account password ng iba na hindi katulad ng kanilang ginagamit sa iba pang online services.
Nag-issue na ng paumanhin at nangakong pag-titibayin ang pag-momonitor ng mga unauthorized log-ins, at magsasa-gawa ng adisyonal na hakbang upang ma-siguro na maka-pamimili ng ligtas ang kanilang mga kostumer.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation