Mga 900 na bata ang lumahok sa Children’s Holiday nuong May 5, sa Hiroshima Gokoku Shrine upang manalo sa taumang “Crying Sumo” na palaro.
Mag-papaligsahan ang 2 bata na nag-eedad na 6 hanggang 18 buwan na naka-suot ng tradisyonal na “Happi” at “Hachimachi” headband ng mahigit 1 minuto. Ang unang umiyak ay siyang tatanghaling panalo.
Kapag ang sumo referee ay sumigaw ng “Hakkeyoi nokotta” ito at hudyat na nag-simula na ang laban. Kapag narinig ito ng ibang bata ang mga ito ay nag-sisimula nang umiyak. Ang iba naman ay napapanatiling kalmado kahit na napaka-lakas na ang pag-sigaw ng referee sa harap ng kanilang mukha. Ang mga bumibisita sa shrine sa Hiroshima, Naka Ward ay napapa-ngiti habang pinapa-nuod ang referee na pinipilit mapa-iyak ang mga kalmadong bata.
Source: The Mainichi
Image: Osaka Photo Group
Join the Conversation