Eroplano ng Russia nagliyab habang dumadaong sa paliparan ng Moscow’s Sheremetyevo airport noong Linggo, 40 na katao ang namatay sabi ng opisyal.
Ang Sukhoi SSJ100 na pinapatakbo ng National Airline Aeroflot na mayroong 73 pasahero at 5 miyembro ng crew na ito ay lumipad pababa sa runway na may malaking apoy at maitim na usok.
Si Elena Markovskaya, tagapag salita ng Russia’s Investigative Committee sinabi kaninang umaga na 41 tao ang namatay ngunit sinabi naman ng Health Minister Veronika Skvortsova na 30 ang nabuhay at ang namatay ay 40.
Ang mga biktima ay 1 miyembro ng crew at 2 teenagers ayon sa Investigative Committee.
Nakita sa video ang mga desperadong pasahero na tumatalon palabas ng eroplano sa inflatable evacuation slides at pasuray na pumunta sa tarmak at sa damuhan.
Ayon sa airport sa pagsasalaysay na ang eroplano, na nag take off galing sa Sheremetyevo Airport for the Northern City ng Murmansk, ay bumalik sa di masabing teknikal na dahilan kaya nagkaroon ng isang napakahirap na pag landing na nag-sanhi ng apoy.
Pinakita sa video broadcast sa Russian television ang pagliyab ng apoy galing sa ilalim ng jetliners habang ito ay patalbog na dumadaong. Nawalan ng oras para sa jettison fuel bago pa ang pag emergency landing ayon sa ulat ng balita.
Ang SSJ100 na kilala din sa tawag na Superjet, ay isang two- engine regional jet na nagsimula nag serbisyo noong 2011 bilang hudyat na ang problemadong aerospace industry ng Russia ay gumaganda.
Ngunit and reputasyon ng eroplano ay nag kaproblema pagkatapos makita ang mga depekto sa ibang horizontal stabilizers.
Ang gumawa ng eroplano na ang Sukhoi Civil Aircraft ay nagsabi na ang eroplano noong Linggo ay ginagawa na noong Abril pa. Sabi ng aeroflot na ang piloto ay nagkaroon ng 1,400 oras na karanasan sa paglipad ng eroplano.
Ang eroplano ay madalas gamitin sa Russia biang kapalit sa mga outdated Soviet-era aircraft, at ginamit din ng ibang bansa tulad ng Armenia t Mexico.
Ito ang pangalawang nakamamatay na aksidente na kinasangkutan ng SSJ100. Noong 2013, isang demonstration flight sa Indonesia ang tumama sa bundok na naging sanhi ng pagkamatay ng 45 na tao na sakay nito.
Source: The Mainichi
Image: instagram user (@artempetrovich)
Join the Conversation