Umabot sa 350 na aplikante ng unang grupo ng mga dayuhan na nag-aapply para sa Japanese Resident Status sa ilalim ng bagong visa system ng bansa na mag tatrabaho sa food service industry ang pumasa sa qualification exam, sinabi ng isang nagpapatupad nuong Martes.
Sinabi ng Organization for Technical Skill Assessment para sa mga dayuhang mang-gagawa sa Food Industry ay, 347 o 75.4 porsyento ng 460 na kumuha ng pag-susulit ang pumasa sa language at skill test na isinagawa sa Tokyo at Osaka nuong nakaraang buwan.
Ayon sa Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries na namumuno sa food service industry, ang mga successful na kandidato ay inaasahang mag simula sa trabaho sa Hulyo.
Ang food service sector, na sumasaklaw sa mga restaurant at catering ay isa sa 14 sektor na itinalaga ng gobyerno upang makapag trabaho ang mga banyaga na mayroong resident status na tinatawag na Specified Skilled Worker No. 1 kung saan nagpapa-loob ng hanggang 5 taong Visa.
Ipina-kilala ng Japan ang kanilang bagong visa status nuong ika-1 ng Abril, upang matugunan ang kakulangan ng mang-gagawa sa bansa dahil sa mabilis na pag-baba ng papulasyon na nag-sanhi na baguhin ang dating napaka-higpit na panukala o alituntunin ng imigrasyon.
Sa susunod na 5 taon, inaasahan ng gobyeenk ang mahigit 345,000 na dayuhan na maka-kuha ng No. 1 na status upang makapag-trabaho sa 14 sektor na nangangailangan ng mang-gagawa tulad ng accomodation, nursing care, construction at farming.
Ayon sa organisasyon, sa 347 na successful na aplikante, 203 dito ay Vietnamese, 37 Chinese at 30 Nepalese.
Ang ikalawang pag-susulit para sa food service jobs ay naka-schedule sa huling yugto ng susunod na buwan sa 7 lungsod ng bansa at tatanggap sila ng 2,000 na aplikante.
Inaasahan ng gobyerno na mahigit 53,000 dayuhan na may bagong resident status na makakapag-trabaho sa food services industry sa darating na 5 taon.
Ayon sa ministeryo, tinatantyang nasa 140, 000 na dayuhan ang kasalukuyang nag-tatrabaho sa food service industry dito sa Japan.
Ang mga mang-gagawa sa Construction at Shipbuilding ay maaaring i-extend ang kanilang pananatili sa bansa sa pamamagitan ng pag-kuha ng No. 2 status, na maaaring mag-dala ng kanilang miyembro ng pamilya sa bansa at walang limit ang bilang kung ilang beses sila maaaring mag-renew ng visa.
Source: The Mainichi
Image: Kyodo
Join the Conversation