TOKYO (Kyodo) – Tatlong kababaihan ang namatay at humigit-kumulang sa 10 na mga estudyante ang dinala sa ospital dahil sa mga sintomas ng heatstroke habang patuloy ang init ng panahon sa Japan noong Lunes, ayon sa mga awtoridad.
Ang temperatura ay umabot sa 30 C sa apat na magkakasunod-sunod na araw sa central Tokyo, na bagong nai-record sa buwan ng Mayo, ayon sa Japan Meteorological Agency.
Isang 42-year-old na babae ang natagpuang walang malay sa tabi ng kanyang sasakyan na naka-park sa isang supermarket sa Mito, Ibaraki Prefecture, at kalauna’y namatay din, habang ang isang 88-year-old na babae ang namatay sa Hanyu, Saitama Prefecture, na natagpuang wala ng buhay sa kanyang palayan, ayon sa local government.
Isang babae na nasa kanyang 90s ang natagpuan ding patay sa isang palayan sa Oshu, Iwate Prefecture, at ayon sa mga lokal na awtoridad ay heatstroke ang sanhi ng pagkamatay ng mga ito.
Sa Machida, western Tokyo, 24 na junior high school students ang sumama ang pakiramdam habang nagpa-practice sa kanilang sports day. Mahigit 10 sa kanila ang dinala sa hospital, wala naman sa kanila ang nasa seryosong kudisyon.
Sa loob ng 926 na monitoring posts sa buong bansa, nasa 400 ang na-register na temperatura ay nasa 30 C pataas, ayon sa agency. Ang Kumagaya sa Saitama ay nasa 36.2 C, sa Isesaki Gunma Prefecture ay nasa 36.0 C.
Ang init ay unti-unting mawawala sa western Japan sa Tuesday dahil sa pagdating ng isang moist air mass.
Tumaas din ang temperatura sa northern main island ng Hokkaido, sa Obihiro na nasa 35.8 C. Sa Saroma na nasa 32.6 C, at ang record high na 39.5 C noong linggo.
Ang Hokkaido Railway Co. Ay nagcancel ng mahigit 100 train services noong Monday dahil sa risk na magkaroon ng track distortion na sanhi ng init.
Join the Conversation