YOKOHAMA
Isang lalaki ang namatay at tatlong iba pang mga crew ang nawawala pagkatapos ng dalawang Japanese cargo ships nagbanggaan noong umaga ng Linggo sa Pacific Ocean sa silangang Japan, sinabi ng coast guard.
Ang 499-toneladang Sumiho Maru at isa pang 499-tonoeladong barko, ang Sensho Maru, ay nagkabanggaan 12 kilometro mula sa Inubosaki sa Chiba Prefecture bandang 2:10 ng umaga. Ang Sensho Maru, na nakabase sa Imabari, Ehime Prefecture, ay lumubog at apat sa limang crew nito, lahat ay Japanese, ay nawawala, ayon sa 3rd Regional Coast Guard Headquarters, na nakabase sa Yokohama.
Ang katawan ng isa sa apat na miyembro, si Akira Yano, 72, ay natagpuan sa loob ng sunken vessel sa lalim na mga 30 metro at ang kanyang kinumpirmang patay na, sabi ng coast guard.
Malabo ang visibility sa lugar sa oras ng aksidente dahil sa fog, sinabi ng gcoast guard at idinagdag na ang Sensho Maru ay tumawag para sa tulong.
Ang lahat ng apat na crew sakay ng Sumiho Maru, na nakabase sa Kure, Hiroshima Prefecture, ay ligtas, ayon sa coast guard.
Si Hiraku Fujita, 60, kapitan ng Sensho Maru na nagdadala ng mga 1,300 toneladang bakal mula sa Kashima sa silangang Japan sa port ng Sakai sa Osaka Prefecture, ay naligtas din.
Kinilala ng coast guard ang tatlong nawawala na sina Kazufumi Kamimura, 60, Hiroshi Seno, 69, at Saigo Umakoshi, 67.
Source: Japan Today
Image: The Mainichi
Join the Conversation