Unang hybrid train na gawa ng Pinoy, babiyahe mula Calamba patungong Maynila

Hybrid Train na gawang Pinoy, babyahe na!

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

 

Kauna-unahang hybrid train na gawa ng Pilipino.

Ang unang hybrid electric train na ginawa ng Pilipino ay sinubukang patakbuhin mula sa istasyon Philippine National Railway (PNR) kahapon ng umaga, sa gitna ng agam- agam hinggil sa aftershocks sa naganap na lindol na umabot sa Magnitude 6.1 na yumanig sa rehiyon ng Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon.

Pinag-uusapang na ito ay isang mahusay na solusyon sa mabigat na trapiko na nararanasan ng bansa, ginawa ito ng Department of Science and Technology’s Metal Industry Research Development Center (DOST-MIRDC).

Sa panayam sa Philippine News Agency (PNA) noong Miyerkules kay Engr. Pablo Acuin, Project Head, DOST-MIRDC Hyrbrid Electric Train, sinabi nito na ang hybrid electric train ay kinukonsidera na unang malaking transportasyong pang masa na gawa ng Pilipinas.

“Para sa amin, dinisenyo ang hybrid train na may katulad na anyo sa tren ng PNR na dumaan sa pag-susubok na kayang lumaban sa tindi o lakas ng isang tren. Bagaman, hindi pa namin alam ang kahit anong pamantayang mayroon ang tren sa PNR kung magkaroon ng isanag malakas na lindol” sabi ni Acuin.

Sambit pa niya, sa pangyayari na mayroon na katamtamang lakas ng lindol, sinususpinde ng PNR ang oprerasyon ng tren at aalamin ang kondisyong ng mga karil ng riles.

Ipinaliwanag din ni Engr. Acuin na ang hybrid train ay maroong automatic stop na isang pamantayan na malaki ang maitutulong kung magkarron ng malakas na lindol.

Pero nung nag test kami nung Monday na nagka-earthquake, hindi namin nararamdaman dito. Dire-diretso lang yung takbo namin”, sabi pa nya.

Sambit ni Acuin, sumubok din sila noong nakaraang taon. Pinatakbo ang hybrid train hanggang 5,000 kilometro at pumasa sa pamantayan ng PNR.

Sinabi pa na lumulan din sila sa araw- araw na pagsubok sa takbo ng nasabing tren mula sa Mamatid hanggang Cabuyao City na istasyon din ng PNR sa kahabaan na hanggang 4.5 kilometro, at sa katamtamang bilis na 200 kilometro sa loob ng 3 buwan.

Mayroong mga maliliit na problem na nakita ang PNR ngunit agad na ginawan ng solusyon.

Mayroong generator na umuubos lang ng kaunting langis gamit and electricity- generated power source na naglalabas ng kaunting karbon sa hangin na mabuti sa kapaligiran.

Inilunsad ito ng 10 Inhinyerong Pilipino at tekniko ng DOST-MIRDC kasama ang mga partner sa industriya, ang hybrid train na ito ay binuo sa himpilan ng PNR Caloocan.

Ang tren ay mayroong 5 tagapag- sanay, disenyo ng mga Pilipinong eskperto bagaman ang aktuwal na gumawa ay taga- labas.

Mga 900 na pasahero ang kayang isakay ng hybrid electric train, na inaasahan na ma-sakyan ng publiko mula Mayo ng kasalukuyang taon. (PNA)

Source and Image: Philippine News Agency

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund