Ayon sa operator ng nasirang Nuclear Plant sa Fukushima ay tatanggap sila ng mga banyagang mangagagawa sa ilalim ng bagong programa ng VISA para sa mga trabahador na tutulong sa pag-sasara o pag-tanggal ng nasabing estraktura.
Nasabi na din ng Tokyo Electric Power Company o TEPCO na napag-desisyunan nito sa isang pag-pupulong noong huling linggo ng Marso 2019, kasama ang iba pang mga kumpanya na naatasan gumawa sa nasabing proyekto na hindi sila tatanggap ng mga manggagawang banyaga.
Ngunit nag-karoon ng bagong Immigration Law (na nilagdaan Abril 1, 2019) na nag-papahintulot na tumanggap ng mga mang-gagawang banyaga na may kaukulang kaalaman o kakayahan (special skills/special training-vocational training) na makaka-tulong sa naturang proyekto at mabibigyan ng VISA sa ilalim ng nasabing bagong immigration law.
Higit sa 4,000 na mangagawa ang nag-tatrabaho rito araw-araw.
Nasira ng malubha ang Fukushima Daiichi nuclear power plant sa sakunang naganap (earthquake at tsunami) noong Marso 2011.
Karamihan ng mga lugar sa nasbing power plant ay kontrolado na ang “radiation”. Ang mga ang mang-gagawa ay guma-gamit ng mga “dosimeters” at sini-suguradong mabibigyan ng sapat na kaalaman sa pag-protekta ng sarili mula sa “radiation”.
Sinabi ng TEPCO na hindi batid sa kanila ang kakulangan ng mang-gagawa para sa nasabing proyekto. Gayunpaman, ang pagkuha ng mga banyagang mang-gagawa at ang pag-bigay ng VISA sa mga ito sa ilalim ng bagong immigration law ay desisyon pa rin ng mga kumpanyang naatasang gumawa sa proyektong ito.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation