Suzuki, ipina-babalik ang mahigit 2 milyong sasakyan dahil sa sirang data at maling pag-iinspeksyon.

2 milyong sasakyan ng Suzuki, ipina-babalik dahil sa mga sirang nakita nuong nag inspeksyon sa kanilang pabrika.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang Japanese small car manufacturer na Suzuki ay nag-anunsyo nuong Huwebes na ipina-babalik ang halos 2 milyong sasakyan sa ipina-dala domestically, dahil ito ay nakitaan ng maling pag-iinspeksyon at iba pang mga problema tulad ng false fuel effeciency data.

Kabilang ang mga sasakyan na ipina-babalik ay yung mga umaandar na nang isang taon hanggang apat na taon at hindi pa napapa-routine check-up. Isa na rito ang minicar Spacia.

Nitong nakaraang Linggo, inamin ng Suzuki na nadiskubre ang ilang mga problema nuong nagsa-gawa ng internal review ang kumpanya sa kanilang pabrika. Ilan rito ay  ang sirang brake checks, pekeng fuel-efficiency data at hindi sertipikadong tauhan ang nagsasa-gawa ng huling inspeksyon.

Mahigit 80 milyon yen ($715 milyon) ang ini-estimang halaga na gagastusin ng kumpanya sa gagawing pagpapa-balik ng mga sasakyan. Apektado rin ang mga auto-parts na ginawa ng Suzuki para sa kumpanya ng Nissan, Mazda at Mitsubishi.

Sinabi ni Transport Minister Koiichi Ishii na kailangan ng kumpanya na mag “serious soul-searching” dahil sa nangyaring scandal.

Ang nasabing problema ay “nag-taas ng alinlangan tungkol sa regulasyon ng kumpanya at ito ay sobrang naka-lulungkot.” sinabi ni Ishii sa mga reporter nuong Martes.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund