Organizer committee ng Olympics bibigyan ng air-conditioner ang mga lugar na nasalanta ng kalamidad sa Japan pagka-tapos ng Tokyo Olympics and Paralympics Game

Mga kagamitang gagamitin ng mga atleta sa Olympic Village, i-dodonate sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad matapos ang palaro.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ang site ng Olympic Village sa distrito ng Harumi 4 at 5 chome sa Chuo Ward sa Tokyo.

Ayon sa source, npag-desisyonan ng organizing  committee ng 2020 Tokyo Olympics and Paralympics na i-donate ang libo-libong air-conditioners na gagamitin sa Olympic Village sa mga rehiyon na nasalanta ng 2011 na Lindol, Tsunami at iba pang mga lugar sa buong bansa na nasalanta ng kalamidad.

Ang mahigit 15,000 na air-conditioning units at iba pang mga accomodation facilities para sa mga atleta sa distrito ng Harumi 5 chome sa Chuo Ward ng Tokyo ay ipapadala sa mga Welfare Institutes, mga paaralan at iba pang pasilidad sa buong Japan ng libre matapos ang Olympic Games na magaganap sa ika-24 ng Hulyo hanggang ika-9 ng Agosto, 2020.

Ipinilit ng organizing committee sa mga contractor na mag-kakabit ng air-con sa Olympic facilities ay “Mag-hanap ng pasilidad kung saan maaaring magamit pang muli ang mga air-con upang ito ay mai-donate rito matapos ang event.”

Dapat rin na sabihin ng contractor sa organizer committee kung saan nila ibinigay ang mga air-conditioning units.

Sa ilalim ng plano ng organizing committee, ang Tokyo Games ang magiging unang Summer Olympics at Paralympics upang maipa-tupad ang U.N. Sustainable Development Goals (SDGs) sa isang full scale basis.

Upang makamit ang SDGs, ang committee ay nag-lalayong “muling gamitin o i-recycle ang 99 porsyento” ng higit sa 10,000 na mga items na gagamitin sa palaro. Isinasa alang-alang rin ang pag-gamit ng karton at iba pang madaling i-recycle na materyales bilang kama at iba pang mga kagamitan para sa mga atleta sa Olympic Village.

Source and Image: The Asahi Shimbun

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund