Ang Nippon Telegraph and Telephone Corp., ay maglulunsad ng pagsusubok sa serbisyo ng pagsasaka gamit ang mga drones at Artificial Intelligence technology. Pinagsisikapang ito ay magamit sa Japan at iba pang bansa.
Ang bagong sistema na mag- uugnay sa drone at sa global positioning satellite system o GPS ay makakatulong sa industriya ng pagsasaka sa Japan na nagbabadyang magkaroon ng seryosong kakulangan ng mga manggagawa. Gustong makamit ng NTT ang dagdag na 30% pagdami ng ani mula sa mga pananim sa pamamagitan ng bagong teknolohiya.
Gagawin ang pagsusubok sa bagong serbisyo ng Japanese Telecommunication giant sa 8 ektarya ng palayan sa Fukushima Prefecture mula Abril 2019 hanggang Marso 2021, layunin ng NTT na mailunsad ang serbisyo sa loob ng 2 taon.
4 na drones na may kamera na naka-link sa Michibiki quasi-zenith satellites na lilipad sa ibabaw ng tumana o palayan upang kumuha ng litrato ng mga palay. Ang sistema ang mag aanalisa ng mga imahe kasama ang iba pang inpormasyon tulad ng temperatura gamit ang artificial intelligence o AI upang malaman ang tamang panahon ng paglalagay ng mga pataba sa mga pananim.
Habang ang drone ay nagbubuga ng pesticide na mas mabisa sa pagdiskubre ng mga insekto gamit ang kamera sa drone. Sabi pa ng NTT, na kanila pang pinagyayaman ang serbisyo upang makapagbigay pa ng iba pang impormasyon tungkol sa tamang oras ng pagbuga ng pesticide para sa pagsugpo ng mga insekto na nasa pananim.
Sinabi din ng NTT na ang global warming ay isa sa mga dahilan sa pagdadala ng ibat’t ibang uri ng insekto sa mga palayan na lalong nakakapag-pahirap sa mga magsasaka ang paglalagay ng pataba sa tamang oras.
Source: Japan Today
Image: dronesonvideo
Join the Conversation