MSDF nagpadala ng sasakyang pandagat sa China makaraan ang 7 taon.

Ang Maritime Self-Defense Force ng Japan ay nagpadala ng sasakyang pandagat China sa unang pagkakataon sa loob ng 7 taon bilang simbolo ng magandang relasyon ng 2 bansa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Japan Maritime Self-defense Force destroyer Suzutsuki, dumaong sa Qingdao Port, China nuong April 21, 2019 (KYODO)

Ang Maritime Self-Defense Force ng Japan ay nagpadala ng sasakyang pandagat sa China sa unang pagkakataon sa loob ng 7 taon bilang simbolo ng magandang relasyon ng 2 bansa.

Ang Destroyer Suzutsuki ay dumating sa port ng  Qingdao sa Shandong Province, China noong Linggo upang dumalo sa International Naval Review sa Martes na pagdiriwang ng ika 70th anibersaryo ng Chinese Navy.

Ito ang unang pagkakataon na dumalaw ang isang  sasakyang pandagat ng MSDF sa China mag mula noong taong 2011. Ang chief of staff  ng MSDF na si Admiral Hiroshi Yamamura ay darating din sa China sa Lunes. Siya ang unang pinuno ng MSDF na dadalo sa loob ng 5 taon upang sumama sa pag-susuri at pag-pupulong kasama ang mga pinuno ng iba’t ibang bansa.

Mahigit sa 10 bansa kasama ang Russia, India at South Korea ang magpapadala ng mga sasakyang pandagat upang makilahok din sa pag-susuri.

Pinaniniwalaan din na ang China ay nagimbita ng iba’t-ibang bansa upang maipakita nito ang kahandaan makisalamuha sa mga pandaigdig na pangaingailangan sa kabila ng mga agam-agam ng karamihan sa kakayahan ng hukbong pandagat nito.

Naging bahagi ang Estados Unidos sa unang naval review ng China 10 taon nang nakaraan ngunit nagpasya na hindi makakapag padala ng sariling sasakyang pandagat sa kaslukuyan.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund