Mga kakaibang translations, natagpuan sa mga English website para sa mga turista

Mali-maling translation at mga kakaiba at naka-lilitong kahulugan ng pangungusap, nakita sa ilang website na nag-ooffer ng language support.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Mali-maling translation na naka-lagay sa mga English website para sa mga banyagang byahero.

“Forgotten Center” sa halip na Lost and Found, ay isa lamang sa hindi tamang pag-salin ng mga pangungusap na natagpuan sa mga website na nag-ooffer ng translated information. Ayon sa gobyerno, ito ay maaaring mag-dulot ng pagka-lito sa mga dayuhang turista sa Japan. Pina-payuhan ang mga ito na agad ayusin ang nasabing pagkaka-mali.

Sa bansang nag-hahanda para sa pagdagsa ng mas maraming dayuhang bisita dahil sa darating na Olympics sa susunod na taon. Nag-sagawa ng survey ang Japan Tourism Agency sa pagitan ng Pebrero at Marso, sinuri nila ang halos 85 na website ng mga Train at Bus operators pati na rin ang mga transportation signage sa lungsod.

Ang mga kakaibang at maling pag-salin ng salitang Ingles ay matatagpuan sa ilang website kung saan ay direct machine translator ang ginamit. Ito ay maaaring mag-dulot ng problema, tulad na lamang ng ginamit na salita para sa salitang “Bata” ay “Dwarf” at “Release Place” para sa “Ticket Machine”.

Nakita rin ng ahensya na ang pag-salin ng ilang pangungusap ay naka-lilito at hindi maunawaan, tulad ng “What happens to the children fare from what age?”

Ang machine aided system ay gumagawa ng hindi kailangang isalin na pangalan ng istasyon ng train sa kanilang mga website. Ayon sa ahensya, maaaring mahirapan lalo na ang mga non-Japanese speaker na intindihin ito.

Sa 85 website, 70 rito ang mayroong language support tulad ng English, Korean at Chinese.

Ang hindi tamang pag-salin ng mga salita o pangungusap ay maaaring nang-galing sa balita o social media.

Isang operator ng subway system sa Osaka, Western Japan, ay nag-trending  kamakailan sa buong mundo nang ang kanilang website ay nag-lagay ng mga mali-maling translations para sa kanilang mga train at stations. Maaaring ang pag-gamit ng automatic translation ang sanhi nito at hindi pag-check matapos ito gawin.

Isa na rin ang pangalan ng Sakaisuji Line na nai-translate ng “Sakai Muscle” line. Ang salitang “Suji” sa hapon ay nangangahulugan na kalye, ngunit ang Chinese Character nito ay nangangahulugan rin na Muscle.

Nagulat rin ang ilang byahero sa pangalan ng isang istasyon ng tren “Power House Town” (Daikokucho) at “World Teahouse” (Tenga Chaya).

Ang sinasaklaw rin ng nasabing survey ang mga signage at malapit na istasyon sa 80 ruta. Napansin rin dito na maliit at kulang-kulang na impormasyon ang pagkaka-sulat sa mga instruksyon na naka-salin sa banyagang salita. Maaaring malito ang mga dayuhang byahero kung anong Line ang kanilang gagamitin.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund