Ang papular na ninja-themed anime at manga series na “Naruto” at “Boruto” ay magkakaroon ng bagong exhibit sa mag-bubukas na bagong anime themed park sa Awaji, Hyogo Prefecture sa western Japan sa ika-20 ng Abril.
Ang mga bisita ay magagawang maranasan ang Naruto at Boruto Ninja Village sa Nijigen no Mori theme park na nag-tatampok ng mga atraksyon naka-istilo tulad ng sa sikat na anime series. Ang parke ay nasa Hyogo Prefectural Awajishima Park.
Ang theme park ay itinatag ng Tokyo based Pasona Inc. bilang bahagi ng regional revitalization policies. Kabilang dito ang nalalapit nang buksang Naruto World. Ang parke ay nag-tatampok rin ng mga exhibit mula sa manga na “Phoenix” ni Osamu Tezuka at “Crayon Shin-chan” ni Yoshito Usui. Ang parke ay naging papular na lugar dahil sa natural na kagandahan na kung saan ang mga bisita ay maaaring tamasahin mga mundo ng anime at manga. Upang maka-akit ng mas maraming tao mula sa sariling bansa at sa ibang bansa, sinali ng parke ang Naruto na kilala sa buong mundo bilang kanilang karagdagang atraksyon.
Sa 8,000 square meter na lupain na matatagpuan sa isa sa mga tahimik na kagubatan ng parke, ang mga panauhin ay ma-eexperience na sila ay tumapak sa mundo ni Naruto. Makikita rin dito ang recreation ng seryeng Hokage Rock, pati na rin ang mga life-size model ng iba’t-ibang karakter. Ang parke ay nag-tatampok ng iba’t-ibang atraksyon na patok sa anu mang edad, kabilang dito ang 3-storey maze na may mga quiz at goals na dapat kumpletohin. Sa isang booth na may augmented reality (AR) technology, ang mga taga-hanga ay maaaring magpa-litrato o video na nag-mumukhang sila ay gumagawa ng mga trademark ninja moves mula sa nasabing serye.
Ang entrance fee para sa mga adult ay ¥3,300 habang ¥1,800 naman sa JHS at SHS, ang mga batang nag-eedad ng 5 taon gulang pataas naman ay ¥500 at ang mga batang nag-eedad ng 4 na taong gulang pababa ay walang bayad.
Ang Naruto ay orihinal na inilathala sa Weekly Shonen Jump, isa sa pinaka-papular na Manga magazine ng Shueisha Inc. ng Japan sa pagitan ng taong 1999 at 2014. Ito ay istorya ng isang matapang na ninja na mayroong espirito ng Nine Tailed Demon Fox na naninirahan sa loob ng kanyang katawan. Ang matagumpay na TV anime adaptation nito ay orihinal na ipinalabas ng TV Tokyo.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation