Ang mga Police sa Japan ay makakapag-intercept na ng mga phone calls kahit walang gabay ng mga telecom service providers simula ngayon Hunyo.
Sa ngayon, ang mga police na nag-iimbestiga ng mga krimen tulad ng systematic fraud ay pinapayagang makinig sa mga tawag kapag kinakailangan lamang at palaging may mga telecom officials na nakabantay sa kanila.
Ang pagbabago sa batas ba ito ay magpapahintulot sa mga police na makapag-intercept ng mga phone conversations sa police facilities na hindi namo-monitor o binabantayan ng mga telecom officials.
Ang bilang ng interceptions ay siguradong tataas mula sa bilang na 12 ng nakaraang taon.
Ang pagbabago ay makakatulong sa pulisya na maimbestigahan ang fraud schemes na target ang mga matatanda. Subalit nagkarooon ng mga reklamo na baka maging tulay ito sa posibleng privacy violations.
Upang walang violations na magaganap, ang National Police Agency ay maglalagay ng officer kada kaso na magsusuri kung kailangan ba talaga ang interceptiona at isinasagawa ba ito ng naaayon sa patakaran.
Ang equipment nagagamitin sa interception ay hindi ilalagay sa police headquarters na nagsasagawa ng imbestigasyon kundi sa regional police bureau at iba pang pasilidad at kinakailangan munang magkaroon ng court-issued warrants upang magamit ito.
Ang mga Interception recordings na hindi naman makakatulong sa imbestigasyon ay agad na buburahin.
Source: NHK World
Join the Conversation