Lower house inaprubahan na ang libreng preschool education bill

Ang house of representatives noong Martes ay inaprubahan ang batas upang palawakin ang suporta sa pag-aalaga ng bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng edukasyon sa preschool mula Oktubre upang masolusyunan ang pagbagsak ng birthrate sa bansa. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: NHK World

TOKYO

Ang house of representatives noong Martes ay inaprubahan ang batas upang palawakin ang suporta sa pag-aalaga ng bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng edukasyon sa preschool mula Oktubre upang masolusyunan ang pagbagsak ng birthrate sa bansa.

Ang libreng programa sa edukasyon ay inaasahang nagkakahalaga ng 776.0 bilyon yen sa isang taon, ito ay isang mahalagang haligi ng inisyatibo ni Punong Ministro na si Shinzo Abe upang palawakin ang saklaw ng mga serbisyong panlipunan sa seguridad. Ito ay pinopondohan ng kita mula sa nakaplanong pagtaas ng consumer tax sa Oktubre mula sa 8 percent na magiging 10 percent.

Kasunod ng pag-apruba noong Martes, inaasahan ng pamahalaan na mapasa ang bill sa pamamagitan ng House of Councils bago ang regular na Diet session na magtatapos sa Hunyo.

Sa ilalim ng programa, gagawin ng pamahalaan ang libreng edukasyon sa preschool para sa lahat ng mga batang may edad na 3 hanggang 5 simula sa Oktubre. Ang mga serbisyo sa day care ay gagawing libre para sa mga bata na nasa edad na 2 pababa sa mga low income household.

Kung ipapasok ng mga magulang ang kanilang mga anak sa mga preschool na hindi pinahintulutan ng mga lokal na pamahalaan o private school, ang maximum subsidy na 37,000 yen kada buwan ay ibibigay sa mga magulang ng mga batang may edad na 3 hanggang 5 at 42,000 yen para sa mga may edad 2 at mas bata. Ang mga pagkain sa paaralan ay hiwalay na sisingilin.

Ang pagbawas ng pinansiyal na pasanin sa child care ay nakikita bilang susi upang ma-solusyunan ang bumabagsak na birthrate sa bansa dahil sa panahon ng mas mataas na pakikilahok ng kababaihan sa workforce. Ang kabuuang fertility rate ng bansa – ang average na bilang ng mga babae na magkakaroon ng anak sa kanilang lifetime ay nasa 1.43 sa 2017.

Ang administrasyon ni Abe ay nakaharap din sa mahirap na task sa pagbawas ng bilang ng mga batang naghihintay sa mga pasilidad ng day care. Halos 20,000 na bata ay hindi maaring ilagay sa day care sa 2018 dahil sa kakulangan ng mga paaralan at mga guro ng nursery.

Source: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund