Kitang-kita sa security video ang pag-nanakaw sa isang tindahan ng alahas sa Kawasaki

3 salarin sa pag-nanakaw sa isang tindahan ng alahas, pinag-hahanap na ng mga awtoridad.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Pinag-hahanap ngayon ng mga Kanagawa Prefectural Police ang mga salarin sa nakawan sa isang tindahan ng alahas sa Kawasaki City nitong Miyerkules, mula sa ulat ng TV Asahi.

Sa isang kuha ng security camera, isang itim na kotse ang makikitang umaatras sa harapan ng tindahan na animo’y sinusubukang sirain ang security shutter nito. Ang tindahan ay nasa Nishikuta Area sa Tama Ward. Matapos ang maka-ilang ulit na pag-subok, tuluyan nang nasira ang shutter at naka-pasok ang kotse sa loob.

3 katao ang biglang pumasok sa loob at isa-isang binasag ang glass display case. Matapos kuhain ang mga laman nito, dali-dali namang sumakay ang mga ito sa ikalawang kotse at saka tumakas.

Kasalukuyang ginagamit ng mga pulis ang kuha sa security video upang matukoy ang pagkaka-kilanlan ng mga suspek.

Source: Tokyo Reporter

Video: Youtube

http://youtu.be/H58L3NmFVcA

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund