Kauna-unahang transgender sa Japan, na naihalal bilang miyembro ng Prefectural Assembly sa Hokkaido.

Transgender politician, pasok bilang bagong miyembro ng Prefectural Assembly sa Hokkaido.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ayako Fuchigami, hinalal na bagong miyembro ng Prefectural Assembly sa Hokkaido. (Mainichi/Kotaro Adachi)

Nitong ika-7 ng Abril, ang kauna-unahang transgender ng Japan na nai-halal bilang miyembro ng Prefectural Assembly sa lokal na eleksyon.

Ang bagong miyembro na si Ayako Fuchigami ay ipinanganak na lalaki at nag-bago bilang babae nuong tumuntong sa sapat na edad. Si Fuchigami na tumakbo para sa Constitutional Democratic Party ng Japan, ay nai-halal sa tungkulinsa unang pagkaka-taon sa Higashi Ward ng Sapporo, constituency ng Hokkaido, ang pinaka-hilagang prepektura sa Japan. Ani ng LGBT Association ng Japan para sa mga lokal na kinakatawan, ang pagka-halal ni Fuchigami ay nag-mamarka sa kauna-unahang pagkaka-taon na ang isang transgender ay naka-kuha ng posisyon bilang miyembro ng Prefectural Assembly sa Japan.

Si Fuchigami ay ipinanganak sa  Saga Prefecture, nag-aral at nag-tapos sa Hokkaido University. Nuong taong 2000, siya ay nag-simulang mag-trabaho sa Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries. Nag-reseach siya tungkol sa mga bigas na maaaring itanim sa malalamig na lugar.

Napag-tanto ni Fuchigami na siya ay may gusto sa lalaki nuong siya ay nasa elementarya pa lamang, bagama’t ito ay itinago niya ng maraming taon, lahat ng ito ay nag-bago nuong siya ay umalis sa Ministry at nag-trabaho bilang show dancer sa isang club sa isang papular na lugar sa Sapporo, ang Susukino District. Kalaunan, opisyal na niyang pinalitan ang kanyang pangalan at ginawang Ayako.

Nuong ika-8 ng Abril, kina-umagahan matapos ang resulta ng eleksyon, ipina-kita ni Fuchikami ang kanyang commitment bilang Transgender Public Representative. Ani niya ay “Gusto ko na ibalik ang pabor sa mga taong sumuporta sa akin sa pamamagitan ng maiging pag-tatrabaho, upang maka-likha ng lipunan kung saan maaaring maging aktibo ang mga LGBT”

Ni-nais ni Fuchigami na pasukin ang politika matapos kitilin ng kaibigan  ang sariling buhay. Nais niya palitan o baguhin ang pakiki-tungo ng lipunan sa LGBT community, nananawagan rin siya para sa isang plataporma na payagan ang LGBT na maging sangkot sa edukasyon.

Source: The Mainichi

Image: The Mainichi/Kotaro Adachi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund