Sa Kawaguchi, Saitama nakatira ang pinaka-malaking populasyon ng mga Kurds sa Japan. Ang insidente ng pang-aapi o bully sa mgaag-aaral na Kurdish na naninirahan sa lugar na ito ay lumalala, umabot na sa puntong ayaw nang pumasok ng bata upang maka-iwas sa mga kamag-aral.
Sa kasalukuyan, ang mga Kurds ay stateless. Karamihan sa mga Kurdish na naninirahan sa Japan ay Turkish nationality. Sa kabuoang bilang na 2,000 Kurds na naninirahan sa bansa, halos 1,500 Kurds ang naninirahan sa Kawaguchi, Saitama Prefecture sa Hilagang parte ng Tokyo.
Mahigit 300 dito ay nasa edad ng Elementarya at Junior High School. Sila ay humingi na ng tulong sa mga paaralan at lokal na pamahalaan upang matugunan nito ang suliralnin sa kanilang tinitirahang lugar.
Isang 12 anyos na babaeng Kurd na nag-aaral sa isang paaralang elementarya sa northwestern part ng lungsod ay kinutya at inapi hanggang sa ayaw na niyang pumasok sa paaralan. Pumili na rin siya ng ibang Junior High School na papasukan matapos maka-graduate sa elementary.
Ayon sa isang Local Support Group, pinuntirya siya ng mga kaklase upang maltratuhin at apihin. Tulad na lamang ng isang insidenteng naganap nuong nakaraang taon. Siya ay ini-lock ng kanyang mga kapag-aral sa loob ng school toilet, natumba ang batang babae dahil siya umano ay itinulak ng classmate na lalaki habang nag lalaro ng Soccer nuong P.E. pagka-tapos nuon, siya ulit ay sinipa sa kanyang likuran sa loob ng silid-aralan. Dahil dito, ayaw na ng bata na pumasok sa paaralan mula pa nuong Pebrero. Ang mga pamilya ng mga estudyanteng may-sala ay humingi na ng paumanhin at nag-alok ng pera para sa mga gastusing pang-medikal. Ngunit dahil sa hindi pagsang-ayon sa mga panukala, walang nangyaring kasunduan.
Isang Kurdish student na nasa ika-6 na baitang sa parehong paaralan ang naka-panayam ng Mainichi Shimbum at nag-kwento sa amin ng kanyang karanasan. “Ako ay naka-raranas na ng pang-bubully mula pa nuong ako ay Grade 2, minsan sisipain ako sa likod ng mga kamag-aral ko at palalabasin na ito ay aksidente lamang. May mga panahon na ayoko nang pumasok sa paaralan.” ani ng bata. Isang 8 gulang na batang babae at nasa Gr. 3 ang nag-sabi rin na siya ay nakararanas ng pang-bubully. “Nalulungkot ako dahil minsan ay kinukutya nila ako. Gusto ko na ito ay maging paaralan na walng nang-bubully.”
Sinabi ng mga taga-suporta na dapat siyasatin ng munisipal ng gobyerno ang tugon ng paaralan ukol sa kaso ng pang-aapi sa batang babae bilang isang seryosong kaso alinsunod sa batas na Act on Promotion of Measures to Prevent Bullying Committee at magsa-gawa ng sariling imbestigasyon matapos maganap ang insidente. Dagdag pa nito na, “Patuloy naming tinatrabaho ang kasunduan sa pagitan ng dalawang panig. Para matigil ang pang-aapi, nais namin itaguyod ang pag-unawa ng mga tao sa internasyonal na mga gawain at palalimin ang pakikipag-tulungan sa mga komyunidad sa lugar.”
Si Hidenobu Matsuzawa, 70 anyos, ay pinuno ng isang organisasyong sumusuporta sa mga Kurdish at naka-base sa sentro ng prepektura Saitama. “Maraming kabataang Kurdish ang naka-raranas ng iba’t-ibang uri ng pang-bubully. Dahil hindi sila naka-iintindi ng wikang hapon, hindi nila maipahayag ang kanilang mga saloobin kaya madali silang ma-bully. Ang kakulangan sa kaalaman tungkol sa kaugalian, kultura at buhay sa komyunidad ay nag-dudulot ng hindi pagkaka-unawaan.” ani ng pinuno.
Nuong tanungin kung paano pinangangasiwaan ng mga paaralan ang nasabing problema, sinagot ito ni Matsuzawa ng “Nais kong makitang tinatrato ng mga paaralan ang mga Kurdish tulad ng pag-trato nila sa iba pang mga mag-aaral, hindi bilang espesyal na kaso at saka gumawa ng plano ng pag-kilos ukol sa nasabing usapin. Mahalaga na na maunawaan mga mag-aaral ang isyu at sama-sama itong talakayin.”
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation