Japan handang mag-bigay ng suporta sa France.

Marami ang nalungkot at nag-bigay ng saloobin tungkol sa pagka-sunog ng Notre Dame sa Paris, France.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang Japan ay handang mag-bigay ng suporta sa France upang muling ipa-ayos ang Notre Dame Cathedral, patuloy ang pag-papahayag ng mga opisyal ng pamahalaan at mga kilalang personalidad nang kanilang kalungkutan matapos tupukin ng sunog ang iconic Catholic Church sa Paris.

Sinabi ni Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga sa isang News Conference “Handang tumulong at sumuporta ang pamahalaan ng Japan, kung hihilingin ito ng bansang France.”

Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga, (Mainichi/Masahiro Kawata)

Ani pa nito, “Ito ay isang kawalan sa buong mundo at ito ay labis naming ikina-lulungkot.” Pag-tukoy nito sa nangyaring sunog sa nasabing Heritage site nito lunes lamang. Natupok ng apoy ang bubungan ng simbahan na nag-sanhi ng pag-guho ng spire o tore nito.

Ipina-hayag ng mga Japanese Celebrities ang kanilang kalungkutan at pagka-lumbay sa nangyaring trahedya.

Ang award-winning actress na si Keiko Kishi, residente ng Paris na nakilala sa kanyang ginam-panang papel sa pelikulang nuong 1983 “The Makioka Sisters” (Sasameyuki) ang nag-sabi na “Ang Notre Dame ay simbolo ng Paris. Nadadaanan ko ang Cathedral dahil madalas kong baybayin ang Ilog ng Seine kapag ako ay nag-lalakad.”

Dagdag pa ng aktres, “Naka-lulungkot isipin na may ganitong nangyari sa isang istraktura na naka-ligtas na sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.”

Ang aktor na si Kanji Ishimaru, Japanese voice ni Quasimodo sa Disney’s animation na “The Hunchback od Notre Dame” ay nag-sabi na “Ang Cathedral ay naging importanteng presensya sa buhay ko bilang aktor, at maka-ilang beses na rin ako naka-punta rito.”

Dagdag pa ng aktor, “Sobra ang lungkot na aking naramdaman habang pina-nunuod ang mga video clips na ang simbahanay nilalamon na ng apoy. Hangad ko ang mabilis na masimulan sa pagsasa-ayos nang simbahan.”

Hindi lamang mga kilalang personalidad ang nagpa-abot ng kanilang simpatya sa mga mamamayan ng Paris.

Ipina-abot din ni Kyoto Mayor Daisaku Kadokawa ang kanyang malugod na kahilingan kay Paris Mayor Anne Hidalgo. Inaasahan niya na ang Cathedral ay muling mai-tayo at maibalik ang dating kaluwalhatian nito. Nuong 1958, ang Kyoto at Paris ay naging sister cities.

Si Yuta Naiki, nag-mamanage ng Cafe sa Tokyo at palaging nag-hohost ng French Language and Cultural Exchange events ay nag-sabi na “Ang Notre Dame ay isang symbolic presence, kahit sa alin mang simbahan sa lungsod.”

Si Miki Kato, anak ng sikat na Shogi player na si Hifumi Kato, at kasalukuyang pinuno ng Catholic Research Center sa Sendai Shirayuri Women’s College ay nag-pahayag din ng saloobin tungkol sa nangyaring sunog, habang ina-alala ang kanyang hulingvpag-bisita sa Notre Dame nuong nakaraang buwan lamang.

Ani pa nito, “Ang kaluwalhatian nito ay hindi katulad sa ibang mga simbahan, ang dami ng bisita at mga lokal na mamamayan na nag-darasal rito, ito ay nag-iwan ng isang impresyon sa akin. ”

Dagdag pa ng huli na ang Notre Dame ay nag-alay ng misa para sa mga naging biktima ng kalunoslunos na Lindol at Tsunami nuong taong 2011 na tumama sa Sendai at iba pang mga lugar sa Northeastern Japan. Sinabi ni Kato na “Ngayon ang panahon na dapat nating suportahan ang France. Ipag-darasal ko na maka-recover na ang Cathedral.”

Ang nasabing Cathedral ay nabibilang sa World Heritage Site at kabilang din sa pinaka-papular na landmarks sa Paris. Ito ay nasa isang maliit na isla sa ilog ng Seine. Ang simbahan ay nagawa nuog 1345, marami na rin kasaysayan ang napag-daanan ng simbahang ito tug, vandelism nuong 18th Century Revolution at ang Coronation ni Napoleon Bonaparte nuong 1804.

Source: The Mainichi

Image: Mainichi/Masahiro Kawata

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund