Isang war artillery ang natagpuan sa Ariake construction site

Isang bomba na mula pa nuong World War II ay natagpuan sa isang construction site sa Ariake area na tatayuan ng isang apartment building.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ayon sa mga pulis, isang hindi sumabog na bomba ang natagpuan sa isang construction site para sa isang bagong apartment building sa Koto Ward nitong Biyernes, mula sa ulat ng Fuji News Network.

Bandang alas-9:30 ng umaga nang tumawag sa mga pulis ang isang construction worker upang ipag-bigay alam sa kanila na may nahukay na bomba sa kanilang construction site sa Ariake area. Ang bomba ay may haba na 1.2 metro at 35 sentimetro ang lapad.

Ayon sa Ministry of Defense, ang nahukay ay isang 500 pound incendiary bomb na hinulog ng mga sundalong amerikano nuong Ikalawang Digmaan Pandaigdig.

Isang bomba ang nahukay sa isang construction site sa Koto Ward. (Twitter)

Matapos ang pag-diskubre, agad na inilikas ang mga trabahante mula sa lugar. Nagsi-datingan naman ang mga miyembro ng GSDF upang simulang i-defuse ang nasabing artillery. Umabot na ng alas-3:30 ng hapon ngunit hindi pa rin natatapos ang kanilang trabaho.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund