Sa Miyazaki- ang isang pares ng Premium Mangoes mula sa Miyazaki ay naka-bingwit ng tala na 50 ka-lapad na presyo. Ito ang kauna-unahang auction para sa season na ito, isang Local Wholesale Market ito napunta. Natalo nito ang tala ng benta nuong nakaraan na 40 lapad.
Ang Premium Mangoes ay tina-tawag na “Taiyo no Tamago” o (Egg of the Sun)
Ayon sa Miyazaki Agricultural Economic Federation, upang maging karapat-dapat sa pagla-larawan nito dapat ay pasok sa strict criteria, tulad ng timbang na 350 grams bawat piraso, nag-tataglay ng high sugar content at higit sa lahat, ay mayroong mapulang balat na halos balutin ang kabuuan nito.
Ang auction sa nasabing prutas ay nag-simula bandang alas-7:00 ng umaga, nagkaroon ng kaunting kaguluhan matapos marinig ng mga tao nang i-anunsiyo ang nai-talang presyo. Ang mga mangga ay napunta sa isang local produce wholesale company.
“Ang nai-talang presyo ay mag-bibigay kaangatan sa mga nag-tanim nito.” ani ni Shota Tatemoto, 35 anyos na mang-gagawa mula sa kumpanya.
Ang mangga ay naka-lagay sa isang kahon at tumitimbang ng 1 kilo. Ito ay ibebenta sa isang department store sa Fukuoka, ang pinaka-malaking lungsod sa rehiyon ng Kyushu, kung saan naroroon ang Miyazaki.
Inaasahan ng Federation ang shipping mula sa mango farmers ay tataas sa pagitan ng kalagitnaan ng Mayo at kalagitnaan ng Hunyo.
Source: Japan Today
Image: Youtube/Fuji T.V
Join the Conversation