Pinag-hahanap ngayon ng Niigata Prefectural Police ang lalaking suspek sa pananaksak sa isang lalaki na nasa 40’s ang edad sa loob ng kanyang sasakyan sa lungsod ng Niigata nitong katapusan ng linggo lamang, mula sa ulat ng TBS News.
Bandang alas-8:30 ng gabi nuong ika-20 ng Abril, bigla umanong binuksan ng suspek ang pintuan ng driver’s seat ng kotse ng biktima, na naka-park sa Nishi Ward at bigla siyang sinaksak ng kutsilyo sa ulo.
Ayon sa mga awtoridad, ang salarin na hindi umano kilala ng biktima, ay agad na tumakas sa lugar ng pinangyarihan.
Ani ng pulis, ang biktima ay nakarating pa sa police box na may 100 metro ang layo mula sa crime scene. Agad naman dinala sa ospital ang biktima na nag-tamo ng hindi naman delikadong pinsala.
Bago mangyari ang insidente, ipinark ng biktima ang kayang kotse sa loob ng gusali na kanyang tinitirahan nang bigla siyang inatake ng suspek.
Pinaniniwalaan na ang salarin ay tinatantiyang nasa edad na 20-25 anyos at may taas na 175 cm.
Source:Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation