Isang mandurukot ang nag-disguise upang hindi makilala ng mga imbestigador

Mandurukot, nag-disguise upang hindi makilala ng mga imbestigador na laging uma-aresto sa kanya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police  ang 62 anyos na lalaki na naka-disguise habang ninanakawan ng mga wallet ang mga natutulog na byahero sa subway, mula sa ulat ng TBS News.

Nitong ika-20 ng Abril bandang ala-6:00 ng umaga, ninakawan umano ni Takenori Shinjo, walang trabaho, ang isang 27 anyos na lalaking byahero ng ¥66,000 habang ito ay natutulog sa loob ng tren ng Tokyo Metro Ginza Line.

Ayon sa mga pulis, si Shinjo ay 6 na beses nang inaresto at dinala sa prosecutor dahil sa pare-parehong kaso nitong nakaraan lamang. Siya rin ay nasintensyahan na ng pagka-kulong at nitong nakaraang taon ang sintesya sa kanya ay na-extend hanggang Hulyo.

Takenori Shinjo (Twitter)

Nuong siya ay nahuli, si Shinjo ay naka-suot ng mahabang piluka at naka-mask, “Nag-disguise ako dahil kilala na ng mga imbestigador ag aking mukha.” sambit ng nito sa mga pulis habang inaamin ang mga alegasyon sa kanya.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund