Isang araw na Italian Food Festival na mag-tatampok ng mga gawa ng 30 chefs.

30 Italian chef ang mag-luluto ng mahigit 1,000 tradisyonal na Italian dishes sa Tokyo nitong darating na Mayo upang i-promote ang kanilang tradisyonal na mga sangkap.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
(SHELLEY SMITH)

Isang authentic Italian Food Festival ang gaganapin sa Tokyo nitong ika-28 ng Mayo. Ang event na to ay isa sa pinaka “Extraordinary Italian Taste” na proyektong ipino-promote ng Italian Ministry of Economic Developement, upang ma-proteksyunan nag tunay na halaga ng mga Italian ingredients at ipakikilala rin dito ang tunay na pagkain ng Italya sa mga kostumers sa labas ng Italy.

Ito talaga ang pinaka-una sa mga proyekto na ginawa sa Asya at ipinag-diriwang din ang tutuong lasa ng mga pagkain ng Italya. 30 Italian chef ang mag-luluto ng mahigit 1,000 tradisyonal na pagkain ng Italya kabilang ang mga tinapay, pizza, pasta, focaccia, oils at finger foods.

Bilang espesyal na panauhin, si Benedetta Parodi, isang sikat na TV cooking personality sa Italy ay magla-live video streaming mula sa kanyang studio. Ang mga iba pang mga dadalong panauhin ay sila Francesco Bellissimo, isang Italian celebrity at Andrea Cocco Hirai, isang Japanese/Italian actor/model na mahilig mag-luto. Ang event ay gagawa ng isang large-scale Italian tasting party. Mayroon din itong mga seminars, workshop at promotion ng mga authentic Italian brands.

Ang one-day limited event ay bukas sa publiko mula 6:00pm hanggang 9:00pm sa 4th, 5th at 6th floor ng Shibuya Stream.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang kanilang website. https://authentic.iccj.or.jp/authentic-italian-table/

Source: Japan Today

Image: Shelley Smith

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund