Ipinakilala ng Japan ang legal cap para sa mahabang working hours sa ilalim ng labor reform law

Ang labor reform law ay nagkaroon ng bisa noon Lunes, na nagse-set ng isang legal cap para sa kultura ng Japan sa mahabang oras ng pagta-trabaho na nagsasanhi ng pagkakasakit at kamatayan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: Kyodo News

Ang labor reform law ay nagkaroon ng bisa noon Lunes, na nagse-set ng isang legal cap para sa kultura ng Japan sa mahabang oras ng pagta-trabaho na nagsasanhi ng pagkakasakit at kamatayan.

Ang cap na ito na nagta-target lamang sa ngayon ng malalaking kumpanya ay isa sa 3 hanay ng labor reform na isinulong ni Prime Minister Shinzo Abe na nahaharap sa mahirap na task upang matugunan ang kakulangan sa manggagawa ng Japan na naging isa na ngayon sa pinakamalaking problema sa iba’t-ibang sektor ng industriya.

Ang batas ay magli-limit sa overtime work ng 45 na horas kada buwan at  360 na horas kada taon. Ang buwanang cap ay maaaring ma-extend tuwing busy periods ng hanggang 6 na buwan sa isang taon.

Kahit na sa nga ganitong kaso, ang pinaka-mataas na overtime cap at naka-set sa 100 na horas kada buwan at 720 na hiras kada taon. Ang mga kumpanya na mapapatunayang lumabag sa dito ay mapaparusahan ng pagbayad ng multa na 300,000 yen.

Ang Japan ay may mahigpit na labor market na may mga kumpanya na naghahangad na maka-secure ng mga manggagawa sa kabila ng pagtanda ng populasyon nito.  Sa isang malaking pagbabago ng polisiya, ang bansa ay nagbukas ng pinto para sa mas madaming dayuhang manggagawa sa pamamagitan ng paggawa ng bagong sistema ng visa noong Lunes.

Ang kakulangan sa manggagawa ay mas malala sa ilang nga sektor. Ang mga construction workers, taxi at truck drivers, pati na din ang mga doktor ay magiging exempted sa batas na ito sa loob ng 5 taon. Ang batas na ito ay ipapatupad para sa mga maliliit at  midsize na mga companies sa Abril sa susunod na taon.

Source: Kyodo News

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund