Tokyo (Jiji Press)- Ipina-kilala ng Sharp Corp. ang prototype ng kanilang foldable smartphone display panel sa isang press event sa Tokyo noong Miyerkules, plano ng kumpanya na ito ay mai-lagay sa merkado sa loob ng mga darating na taon.
Ang Sharp ang kauna-unahang Japanese company na mag-lalabas ng foldable display. Sa kasalukuyan, kakaunting dayuhang kumpanya lamang ang nag-bibigay ng naturang diplay panel.
Ang prototype ay base sa isang OLED Panel (Organic Light Emitting Diode), ay maaaring matiklop nang paloob o palabas.
Plano ng Sharp na supply-an ng foldable display ang iba pang mga smartphone, kabilang ang sariling produkto.
Ang Samsung Electric Co. ng South Korea at Huawei Technologies Co. ng China ay nag-sabi na rin na mag-lalabas sila ng foldable smartphones.
Source: Japan News
Image: Yomiuri Shimbun
Join the Conversation