Hirosaki Park, sinimulan na ang kanilang Cherry Blossoms Festival

Cherry Blossoms Festival sa Hirosaki Park, sinimulan na.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Hirosaki Park, Aomori Prefecture

Dinagsa ng mga bakasyonista ang isang park sa northern Japan upang masilayan ang libong-libong Cherry Tree na namumulaklak.

Ang Hirosaki Park sa Aomori Prefecture ay mayroong 2,600 puno ng 50 iba’t-ibang uri ng Cherry Trees.

Halos 2 milyong panauhin mula Japan at ibang bansa ang pumupunta dito at sa katabi nito na Hirosaki Castle taon-taon.

Ang taunang pag-diriwang ng seasonal spectacle ay nag-simula nuong Sabado.

Bago ito simulan, ipinahayag ng opisyales ng lungsod ng Hirosaki na ang Somei-Yoshino na uri ng Cherry Tree ay opisyal nang mamulaklak at maaaring tuluyan nang mamukadkad sa darating na Miyerkules.

Ang pagdiriwang ngayong taon ay ang huling pagdiriwang bago matapos ang kasalukuyang imperial Heisei era.

Sinabi ni Mayor Hiroshi Sakurada, alkalde ng lungsod, nuong opening ceremony na hinahangad niya na maraming tao ang bumisita at ipag-diwang ang pag-dating ng bagong Era.

Sinabi ng isang 60 anyos na ginang mula sa Nara Prefecture, “parang mas maganda ang mga bulaklak sa mga Cherry Trees dito kaysa sa aming lugar.” Sinabi rin ng huli na matagal na niyang nais bumisita sa Hirosaki upang masilayan ang mga Cherry Blossoms dito.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund