Isang aksidente pang sasakyan ang kumitil sa buhay ng isang batang babae at ang ina nito at 8 pang sugatan dahil sa resulta ng pagkakamali ng isang driver na 87 taong gulang. Dahil sa kakulangan ng ebidensya na sinasabi na baka mechanical trouble lamang ika nga ng pulis sa kanyang pahayag nitong Sabado.
Walang makitang bakas ng preno sa lugar na pinangyarihan ng aksidente. Na nagkaroon ng paniniwala na maaring naapakan ni Kozo Iizuka, ang driver, ang silinyador imbes ang preno.
Sinasabi din na nabangga nya ang isang harang sa daan at rumagasa pa sa 3 kanto sa kaabalahan ng Ikebukuro district noong Biyernes, Abril 19.
Si Mana Matsunaga, 31 taong gulang at anak nito na babae na si Riko na 3 taong gulang ay namatay pagkatapos mabangga ng kotse ang sinasakyan nilang bisikleta. May 1 pang silista na nasagasaan na nasugatan naman ng isang trak ng basura at meron pang 4 na pedestrian 150 metro bago sumalpok sa isang harang ng daan.
Si Kozo Iizuka at ang kanyang asawa ay nagtamo ng bali sa buto at na dinala sa ospital.
Nasabi pa ng pulisya na wala silang makitang ebidensya na si Kozo Iizuka na isa palang dating namumuno sa dating Agency of Industrial Science and Technology na ngayoy parte ng defunct Ministry of International Trade and Industry na nagpapakita ng malubhang sakit o kahit na nasa inpluwensya ng alak o nasa ilalim ng gamot noong nangyari ang aksidente.
Ngunit, sinabi ng isang kapit bahay ni Kozo Iizuka sa Kyodo News na itong mga nakaraang buwan, na nakita nya si Kozo, ang suspek, na naglalakad na may tungkod at nahihirapan pumarada sa kanyang garahe.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation