Hihigpitan na ang pamantayan ng mga Japanese Language Schools

Dahil sa pag-dami ng ma banyagang mag-aaral, plano ng Ministeryo na mas higpitan ang pamantayan ng mga language schools.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang Ministry of Justice ay nag-paplano mag-takda ng mas mahigpit na pamantayan para sa pag-tatatag ng mga language school para sa mga banyagang mag-aaral na nag-aaral ng wikang hapon. Sa nakalipas na 10 taon, ang bilang ng mga nasabing paaralan ay dumoble.

Sinabi ng Immigration Agency, ang bilang ng mga paaralan sa kasalukuyan ay nasa 749 at patuloy pa rin sa pag-taas mula nang inihain ng pamahalaan isang dekada na ang naka-lipas ang tungkol sa planong dagdagan ang bilang ng mga dayuhang mag-aaral sa 300,000.

Sinabihan ng Ministeryo na dapat ayusin ng mga language schools ang kanilang mga pamantayan.

Ang kasalukuyang pamantayan ng mga language school ay kabilang ang sumumusnod; bilang ng oras ng klase na kayang ibigay ng paaralan at kung ilang guro ang maroon sila.

Ang mga kumpanya ay pinapayagan na mag-set up ng mga bagong paaralan kung matutugunan nila ang mga requirements. Ang ilang mga kumpanya ay pina-niniwalaang gumagamit ng mga mag-aaral mula sa kanilang mga paaralan bilang mga mang-gagawa sa mga pabrikang sila mismo ang nagpapa-takbo.

Ang Ministry ay nag-paplano na higpitan ang mga pamantayan sa lalong madaling panahon, kabilang rito ang pag-aatas na isa-publiko ng mga paaralan sa test rate ng Japanese Proficiency.

Ayon sa Association of Promotion of Japanese  Language Education, may mga paaralan na well-managed at mayroon ring hindi. Kinakailangan na i-check ang mga ito ng regular.

Source and Image: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund