Hayabusa2 kukuhanan ng mga larawan ang Ryugu asteroid kung saan ang pinangyarihan ng impact

Hayabusa2 kumuha ng larawan ng impacted area sa Ryugu asteroid.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Hayabusa2

Ang Japanese space probe ay naka schedule sa Huwebes upang kunan ng larawan ang artipisyal na butas sa pagsalpok sa Ryugo asteroid.

Ang pagsubok sa nasabing pagsalpok ay ang kauna unahan sa buong mundo na ginawa noong Abril 15. Isang metal ang pinaputok sa ibabaw ng asteroid. Sinabi ng Officials of Japan Aerospace Exploration Agency o JAXA na ito ay tagumpay.

Plano ng JAXA na alamin kung paano nagbago ang anyo ng balat o ibabaw ng asteroid

Upang maiwasan ang pagkasira sa debris na galing sa lakas ng pagsalpok, ang space probe Hayabusa2 ay nagpasikot- sikot at saka bumalik sa posisyon 20,000 metro sa itaas ng asteroid pagkatapos ng 2 linggo.

Noong Miyerkules, mga 4:40pm, ang grupo ay nagsimulang bumaba sa asteroid upang kuhanan ang unang imahe pagkatapos ng pagsusuri.

Titigil ang pagbaba nito mga 11:16am ng Huwebes sa 1,700 metro sa ibabaw ng asteroid.

Sa ganitong posiyon, ang grupo ay magtatagal ng 1 oras mula 11:38am habang kinukuhanan ng larawan ang lugar na natamaan.

Ang plano ng JAXA ay ikumpara ang mga larawan na kinuha noong Huwebes sa mga kinuhanan bago ang eksperimento upang malaman ang pagkakaiba sa ibabaw ng Ryugu. At saka nila pag- aaralan ang mga bato galing naman sa loob ng asteroid.

Source and Image: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund