Halos kalahati ng bilang ng mga dayuhang naninirahan sa Tokyo ay nakaranas ng diskriminasyon.

Racial Discrimination, maraming dayuhan pa rin ang nakararanas.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ayon sa survey na isina-gawa ng isang Civic Group na ini-labas nuong Martes, halos kalahati ng naninirahan na dayuhan sa Tokyo ay nakaranas ng Racial Discrimination.

Sa survey na isina-gawa ng Anti Racism Information Center, na binubuo ng mga scholars, activist at mga university students. 167 sa 340 na respondents ng survey kabilang ang mga estudyante ang nag-sabi na sila ay nakaranas ng Discriminatory Treatment, tulad nang pag-sabihan na huwag mag-salita ng ibang lengwahe maliban sa wikang hapon.

Mga kakaibang tingin at diskriminasyon na natatanggap ng mga banyagang dayuhan sa bansang Japan.

Ang isang nag-tatrabaho bilang kahera sa isang retail shop ay nag-sabi na, ang mga kostumer ay humahanap ng hapon na kahera. Ito ay base sa isina-gawang face-to-face questionnaire survey na isina-gawa nuong Pebrero at Marso sa Shinjuku Ward sa Tokyo.

Isang Nepalese na lalaki na nag-tatrabaho sa isang drug store, ay sinabihan umano ng kostumer na ayaw nito maka-kita ng banyagang kahera kaya nag-hanap siya ng iba.

Isang Chinese respondent naman na nag-tatrabaho sa isang convenience store ang napag-sabihan ng ka-trabaho na huwag mag-salita ng chinese nuong may chinese speaking na kostumer na nag-tanong ng direksyon.

Mayroong mga kaso rin na ini-reject ang mga apartment application ng mga banyagang dayuhan. Mayroon rin na hindi pinapa-pasok sa mga tindahan, pero ni isa sa kanila ay hindi nag-reklamo sa kinauukulan.

Pinahayag ni Ryang Yong Song, representative ng Civic Group, sa isang press conference na “Ang mga banyagang dayuhan na naninirahan sa Japan ay pina-lalagpas o pina-babayaan na lamang ang mga diskriminasyong nararanasan sa bansa.”

Dagdag pa ni Ryang, dapat gumawa ng survey ang pamahalaan upang malaman kung ano-anong klase ng diskriminasyon ang hinaharap ng bawat banyagang dayuhan na naninirahan sa bansa. Hinihikayat rin niya ang mga paaralan at trabaho-han na tugunan ang problema sa diskriminasyon. Dapat rin gumawa ng mekanismo at isali ang mga Public Official upang aksyonan at bigyang pansin ang nasabing problema.

Sa bagong sistema ng visa sa bansa na nag-simula nitong buwan, na mag-dadala ng mas maraming banyagang mang-gagawa upang tugunan ang kakulangan ng trabahante sa bansa. Marami ang kinikwestyon ang kakayahan ng pamahalaan na mag-alok ng konsultasyon sa mga dayuhang residente.

Source: Japan Today

Image: Gaijin Pot

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund