Si Emperor Akihito at Empress Michiko ay dumalaw sa puntod ng ama na dating Emperor Hirohito malapit sa Tokyo para sa gaganapin na opisyal na seremonya sa pagbaba ng trono ni Emperor Akihito sa Abril 30, 2019.
Ang pagbisita sa musoleo ng ama ng Emperor sa na nakalagak sa Musashino Imperial Graveyard sa Hachioji ay isa sa mga 11 seremonyas na naka abang para sa pagababa ng trono ng 85 taong gulang, una sa nabubuhay na Monarkiya ng Hapon sa 2 siglo, at ang huli bago ang araw ng pagbaba sa trono.
Ang Emperor ay nakasuot ng pag umagang kasuotan at ang Empress naman ay nakasuot ng mahabang damit at nagdasal sa ritwal na kung tawagin ay “Shinetsu no gi”.
Habang si Crown Prince Naruhito, 50 anyos na aakyat sa trono sa Mayo 1, 2019 ay kasama din sa naka- abang na seremonyas at ritwal na isang palatandaan sa susunod na uupo sa trono o Emperor.
Bilang paghahanda sa seremonyas sa pagbaba ng trono, ang gabinete na si Prime Minister Shinzo Abe ay nagdesisyon sa parehong pagkakataon na ihirang na ang assistant ng Crown Prince na si Nobutake Odano, 71 taong gulang bilang Grand Chamberlain simula sa Mayo 1.
Ang kasalukuyang Grand Chamberlain ay si Chikao Kawai, 66 taong gulang, ay agad na gumawa ng panibagong posisyon bilang suporta kay Emperor Akihito matapos ang kanyang pagbaba sa trono. Si Nobutake Odano ay ang dating ambassador ng European Union habang si Chikao Kawai ay dating Vice Minister ng Foreign Affairs.
Noong taong 2016, ipinahiwatig ni Emperor Akihito ang nais niya ng bumaba sa trono sa pamamagitan ng isang mensahe sa video, at sinabi ang kanyang pag-aalinlangan na baka hindi na niya matupad ang kanyang tungkulin bilang pinuno dahil sa kanyang katandaan. Ang parliamento ay agad na gumawa nang batas hinggil dito at nagkabisa sa sumunod na mga taon.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation